^

Dr. Love

Huwag maging ‘dirty old man’

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Matagal na akong nagbabasa ng iyong kolum and I find it very helpful sa mga may problema sa puso. Tawagin mo na lang akong Martin, 40-anyos at may asawa.

From day one ng aking marriage, naging tapat ako sa aking asawa. Mahal ko siya. Pero after 19 years, nagbago ang lahat nang makilala ko si Lizzie. Isa siyang waitress sa isang restaurant na madalas kong kainan tuwing tanghali malapit sa aking pinapasukang tanggapan.

Si Lizzie ay 20-anyos lang at maganda at mabait. Kung tutuusin, para ko na siyang anak. Una’y kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Pero sa paglipas ng panahon, parang may nadi-develop sa akin. I know it is love.

Matagal ko nang hindi nararamdaman ang ganitong kiliti sa aking puso. It is not sex but something more noble than that. Unti-unti’y nararamdaman ko ring may namumuong mutual understanding sa aming dalawa.

Hindi ko pa naman siya naide-date pero may desire akong mamasyal kasama siya. Yung bang, magkahawak-kamay sa Luneta, kakain sa labas. Yun lang.

Gayunman, may nararamdaman din akong guilt sa puso ko dahil magiging unfaithful ako sa misis ko for the first time. Mapagmahal at uliran ang misis ko pero parang natatalo ako ng aking damdamin para kay Lizzie. Ano’ng gagawin ko?

Martin


Dear Martin,


Better forget her. Kung mahal mo siya, bayaan mong magkaroon siya ng chance na makahanap ng boyfriend na walang sabit. Bata pa iyan. Gaya ng sinabi mo, para mo na lang anak.

Kalokohan iyang sinasabi mong "no sex." I’m sure the moment you get the chance, sex din ang patutunguhan niyan.

Huwag kang maging dirty old man.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

BATA

DEAR MARTIN

DR. LOVE

GAYA

GAYUNMAN

HUWAG

ISA

MATAGAL

PERO

SI LIZZIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with