^

Dr. Love

Nagpakipot kasi eh

-
Dear Dr. Love,

Hello to you and to your legions of avid readers. Tawagin mo na lang akong Celina, 25 years-old. As a matter of background, nakilala ko si Nestor last year through a friend.

To tell you frankly, tinamaan ako sa kanya. Hindi siya masyadong guwapo pero yung kanyang pagkamaginoo ang nakaakit sa akin.

Kabe-break ko lang sa boyfriend ko at that time. Ewan ko, marahil ay may pag-ibig pa ako sa aking ex kaya nang manligaw si Nestor sa akin, hindi ako nagpabigla-bigla sa pagsagot ng oo.

Tatlong buwan siyang nanligaw sa akin pero medyo dedma ako kahit may gusto ako sa kanya. Sa mga aksyon ko, hindi niya nahalata na mahal ko siya.

Hanggang sa nanghinawa na yata si Nestor at tumigil na siya sa pagdalaw sa akin. Hindi na rin niya ako sinusundo sa trabaho, bagay na nami-miss ko ngayon.

Kung kailan nangyari ito, saka ko pa na-realize na mahal na mahal ko siya. Nabalitaan kong may girlfriend na pala siya. Pati ang friend ko ay sinusumbatan ako kumbakit hindi ko sinagot si Nestor. Hindi ako nagpahalata sa friend ko na may gusto ako sa kaibigan niya.

Ano ang dapat kong gawin?

Celina


Dear Celina,


Tama na nagpakipot ka nang kaunti. Diyan nasusukat kung gaano katatag ang love sa iyo ng isang suitor.

Kung hindi siya nakapagtiyaga nang tatlong buwan lang sa panliligaw, that means he is not worthy of your love. Siya ang nawalan at hindi ikaw.

Mantakin mo na after a while lang ay may iba na siyang siyota. Ano’ng klaseng girl yon? Easy to get? Remember, hindi ikaw ang nawalan kundi siya.

Dr. Love

AKO

ANO

CELINA

DEAR CELINA

DIYAN

DR. LOVE

EWAN

HANGGANG

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with