Sumbat ng budhi
May 13, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Saul ng Malabon. Binabagabag ako ng aking budhi dahil sa mga pinaggagawa ko sa yumao kong asawa. Napakasal ako sa kanya dahil nabigla lang ako. Hindi ko siya talaga mahal at nagrerebelde lang ako sa aking istriktong mga magulang kaya ko itinanan si Emily.
Nagkaroon kami ng isang anak pero sa simula pa lang ay malamig na ang trato ko sa kanya. Nang lumaoy gusto ko na siyang hiwalayan. Sa kabila ng pagiging matabang, todo-serbisyo siya sa akin. Alam kong mahal na mahal niya ako.
Sa kabila nitoy hindi ma-develop ang love ko sa kanya. Nang hindi na ako makatiis, nagpasya akong lumayas. Sinulatan ko siya at sinabi ang tunay kong damdamin. Na hindi ko siya mahal.
Nooy sumama ako sa aking girlfriend na mas mahal ko. Ilang araw pa ang lumipas, nabalitaan kong nag-suicide si Emily. Kahit nangyari ito, maayos pa rin ang trato sa akin ng aking mga in-laws. Lalo akong sinumbatan ng aking konsiyensya.
Laking pagsisisi ko. Dalawang taon na ang nakalilipas at hindi ako makatulog tuwing gabi dahil sa sumbat ng budhi. Ano ang gagawin ko?
Saul
Dear Saul,
Ang pagsisisi ay may kaakibat na paghingi ng tawad. Patay na ang asawa mo kaya sa Diyos ka humingi ng tawad. Laging may mercy ang Panginoon sa mga taong tapat na nagsisisi.
Pero higit sa lahat, patawarin mo rin ang sarili mo. Kung hindi mo mapapatawad ang sarili mo, lagi kang susumbatan ng iyong budhi. Hindi na puwedeng ibalik at baguhin ang nagdaan at iyan na lang ang puwede mong gawin.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended