^

Dr. Love

Problema ni Bitoy

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you, Dr. Love. Itago mo na lang ako sa pangalang Bitoy. Gusto ko sanang humingi ng payo at tulong sa iyo. Tungkol ito sa nililigawan kong si Nely, 17-anyos ng Tacloban.

Love at first sight talaga ako sa kanya. Una ko pa lamang siyang nakita ay na-in love agad ako. Agad akong nagpakilala sa kanya at tinanong kung puwede siyang dalawin sa kanila. Pumayag naman siya.

Nang magkausap kami, agad kong ipinagtapat ang laman ng puso ko sa kanya. Pero tuwing dadalaw ako sa kanila, palagi niyang sinasabi na may boyfriend na siya. Tinatabangan na tuloy ako na ipagpatuloy ang panliligaw.

Ano ang gagawin ko?

Bitoy


Dear Bitoy,


Dalawang bagay. Puwedeng totoo ang sinasabi niyang may boyfriend na siya at puwede ring sinusubukan ka lang niya kung gaano ka ka-pursigido sa panliligaw.

Hangga’t wala siyang diretsang sinasabi sa iyo na wala kang pag-asa, ituloy mo ang panliligaw. Tutal, boyfriend pa lang naman at hindi pa sila kasal.

Sabi nga, kung may tiyaga, may nilaga. Kaya magpursigi ka. Patunayan mo sa nililigawan mo that you will be a better boyfriend.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

BITOY

DALAWANG

DEAR BITOY

DR. LOVE

HANGGA

ITAGO

KAYA

NANG

NELY

PATUNAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with