^

Dr. Love

Nagdududa

-
Dear Dr. Love,

Sumulat po ako sa inyo para humiling ng inyong payo.

Gusto ko lang kasing makasigurado kung totoo na hindi ako lolokohin ng aking bf.

Tawagin na lang n’yo siya sa pangalang Mr. Cancer. Naguguluhan po ako dahil nagdududa po ako sa kanya. Pero ako lang po ang babae sa buhay niya. Sa edad po niyang 24-anyos ay ngayon lang siya umibig at ako ang kanyang pinili.

Ang sabi niya ay ako lang ang babae sa buhay niya hanggang sa kamatayan pero bakit ako nagdududa sa kanya?

Isa pa po ay nagpaalam siya sa akin para magbakasyon sa kanilang probinsya. Kaya lang ay nagduda ako sa kanya na baka hindi na siya bumalik. Natatakot po ako dahil mahal na mahal ko po siya at ayaw kong mawala siya sa akin. Siya lang ang lalaking mamahalin ko habambuhay at ayaw kong mawala siya sa akin.

Handa kong itaya ang buhay ko para sa kanya para lang mapatunayan ko na mahal ko siya at handa ko pong ipaglaban sa mga magulang ko ang aming pag-iibigan. Kaya lang po ay natatakot ako sa mga magulang ko at baka malaman nila na ako ay may bf dito.

May namagitan na po sa amin. Sa tingin po ba ninyo Dr. Love ay mapapatawad ako ng aking mga magulang kapag nalaman nila na ako ay may ginawang masama?

Sabi kasi ng aking mga magulang ay okey lang sa kanila na mag- asawa na ako basta sa tamang paraan. Pero sabi ng bf ko ay handa naman niya akong pakasalan.

Ano po sa tingin ninyo, Dr. Love?

Miss Virgo


Dear Miss Virgo,


Natural lang sa isang babae ang magduda sa pagmamahal ng kanyang nobyo lalo pa’t isinuko mo na pala sa kanya ang iyong pagkababae. Sana ay naisip mo ang bagay na iyan bago mo ipinagkatiwala ang iyong sarili sa kanya. Pero wala ka nang magagawa pa.

Bothered lang ako sa plano niyang magbakasyon sa kanilang lalawigan dahil baka hindi na siya bumalik o kung bumalik man ay mag-iba na siya ng tirahan nang hindi ka sinasabihan.

Anuman ang mangyari, tanggapin mo ito nang maluwag sa iyong kalooban. Kung babalikan ka niya, tiyak ngang mahal ka niya at kung hindi, charge it to experience at magsilbi sana itong aral sa iyo sa susunod mong pakikipagrelasyon. Huwag agad magtiwala at ibigay ang sarili hangga’t hindi pa nakakasal.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR MISS VIRGO

DR. LOVE

KAYA

LANG

MISS VIRGO

MR. CANCER

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with