Nakikiapid
April 20, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
I need your help. Just call me Brix, 27 years-old and a bachelor. Ang problema koy tungkol sa aking kasintahang si Rina. May asawa na siya at dalawang anak.
Pero kamiy nagmamahalan kahit palihim at nakaw ang aming pagtatagpo. Ang asawa niya ay isang tinyente ng pulis. Alam kong sa sandaling mabisto kami, baka pareho kaming matodas ni Rina.
Pero walang halaga sa amin ang panganib na ito. Nagmamahalan kami at sabi niya sa akin, tinakot lang siya ng pulis niyang asawa kaya siya nagpakasal dito.
Minsay sinabihan ako ni Rina na itigil na namin ang aming pagtatagpo dahil nagdududa na ang kanyang asawa. Tumututol ako sa panukala niya. Mahal ko siya at hindi ko makakayanang magkalayo kami.
Anoíng gagawin ko?Brix
Dear Brix,
Saan mang anggulo silipin, ang ginagawa ninyo ni Rinay pakikiapid. Nang-aagaw ka ng asawa ng may asawa. Nangwawasak ka ng pamilya.
Ke pinilit lang si Rina ng pulis na pakasalan siya, mag-asawa pa rin sila. Marahil ang magagawa ni Rinay ipawalang-bisa ang kanilang kasal. Afterall, may ground naman para ma-annul ang kasal nila. Pinilit siya.
Pero hanggang binding pa ang kasal nila, malaking kasalanan ang inyong ginagawa sa batas ng Diyos at tao. Natatakot ako para sa iyo. Tama ka, kapag nabisto kayo sa inyong kataksilan, malamang tigok kayong pareho.
Kaya tama si Rina. Maghiwalay na kayo. Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended