^

Dr. Love

Huwag mamangka sa 2 ilog

-
Dear Dr. Love,

Greetings to all the staff of PSN. Isa po ako sa masugid ninyong tagasubaybay at isa na rin po ako sa mga nabigyan ninyo ng payo. Sumulat po ako ulit dahil gusto kong humingi ng payo para sa aking kaibigan ukol sa kanyang problema.

Siya po si Grace, 22 years-old. Mayroon siyang boyfriend–si Dexter at more than two years na rin ang kanilang relasyon. Kaso lang ay malayo sila sa isa’t isa at minsan lang sila nagkikita at nagkakausap.

Si Dexter ay laging busy sa trabaho at kahit na magkasama sila ni Grace, wala itong ibang iniisip kundi ang kanyang trabaho. Kaya minsan ay naiinis na rin ang kaibigan ko at parang nawawala na ang pag-ibig na nararamdaman nito para sa kanyang kasintahan. Ang feeling kasi ni Grace ay hindi siya mahalaga kay Dexter.

Dumating ang time na may nanligaw kay Grace–si Dan, 28 years-old. Sa kanya nakita ni Grce ang mga bagay na hindi niya nakita kay Dexter. Puno rin siya ng atensiyon mula kay Dan na hindi nito naranasan kay Dexter.

Hindi nagtagal at nahulog ang loob ni Grace kay Dan at naging magnobyo sila. Hindi alam ni Dexter na may iba pang nobyo si Grace at hindi rin alam ni Dan na may nobyo na si Grace.

Masaya naman si Grace sa piling ni Dan pero natatakot ito na baka malaman ni Dan ang tunay na sitwasyon gayundin si Dexter.

Dr. Love, ano po ang dapat kong gawin para maliwanagan si Grace kung ano ang dapat niyang gawin. Alam kong hindi magiging sapat ang payo ko sa kanya kaya naisipan kong humingi ng tulong sa inyo.

Marami pong salamat at aasahan ko ang inyong payo. More power and God bless. Lubos na umaasa,

Bhaby ng Caloocan City


Dear Bhaby,


Magiging unfair ang iyong kaibigan kung hindi siya makikipag-break sa una niyang nobyo gayong may iba na siyang mahal.

Maging prangka siya. Kung talagang KSP siya sa first bf niya at nawalan na siya ng feeling para sa kanya, ang mabuting gawin ay tapusin na ang relasyon.

Huwag siyang mamangka sa dalawang ilog dahil baka makarma siya. Eventually ay malalaman din ang ginagawa niyang ito at baka parehong mawala ang dalawang lalaking ito sa buhay niya. Higit na masakit ito,hindi ba?

At bilang kaibigan, ipaliwanag mong mabuti sa kanya ang mga implications ng ginagawa niyang pagtataksil. Dr. Love

vuukle comment

ALAM

BHABY

CALOOCAN CITY

DEAR BHABY

DEXTER

DR. LOVE

GRACE

SI DEXTER

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with