^

Dr. Love

Galit sa mga magulang

-
Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay nais ko po kayong batiin ng isang magandang araw gayundin ang buong staff ng PSN.

First time ko pong sumulat sa inyo. Gusto ko po sanang humingi ng tulong at payo sa inyo kung maaari.

Tawagin na lamang ninyo akong Scorpio Girl. Nag-aaral po ako noon sa high school nang mangyari ito sa buhay ko.

Dr. Love, nasira po ang lahat ng mga pangarap ko sa buhay, gayundin ang aking pag-aaral. May dumating na lalaki sa amin. Nagustuhan siya ng aking mga magulang para sa akin dahil lagi siyang pumupunta sa bahay namin. Hindi ko siya boyfriend. Pinipilit ako ng aking mga magulang na magpakasal sa kanya pero ayoko dahil nag-aaral pa ako at isa pa ay hindi ko siya gusto na makasama habambuhay. Naglayas ako sa amin at hindi ko na tinapos ang fourth grading period sa aming school at wala na rin akong maisip na mabuti para sa sarili ko.

Dr. Love, kinasusuklaman ko po ang aking mga magulang hanggang sa ngayon dahil sa nangyaring ito sa akin. Tama po ba ang ginawa ko? Bakit may mga magulang na sila ang pumipili ng mapapangasawa ng kanilang anak? Sana po ay mapagpayuhan ninyo ako para naman mabawas-bawasan ang bigat na dinadala ko sa aking dibdib.

Lubos na gumagalang,

Scorpio Girl


Dear Scorpio Girl,


Mali ang mga magulang mo. Ang desisyon ng tao lalo pa tungkol sa pag-ibig ay sarili niya at hindi dapat saklawan ng nino man.

Kung ang paglalayas mo’y siyang tanging paraan para makaiwas sa lalaking ipinipilit sa iyo kahit na hindi mo mahal, siguro nga’y tama ka.

Pero iyon lang ba talaga ang paraan? Hindi mo ba kinausap muna ang iyong mga magulang upang makumbinsing hindi nila dapat pakialaman ang desisyon mo sa pag-ibig.

Hindi mo nasabi kung ano ang nangyari sa buhay mo matapos ang matagal na panahong paglalayas mo. Sana’y hindi napalungi ang buhay mo. Sana’y maayos ang buhay mo ngayon.

Sa kabila ng lahat, ang magulang ay magulang. Ano man ang galit mo sa kanila’y sikapin mong burahin sa iyong puso. Alamin mo ang kanilang kalagayan at kung puwede’y magbalik ka sa kanila.

Marahil naman, sa tagal ng iyong pagkawala ay wala na rin ang lalaking ipinipilit nila sa iyo noon.

Dr. Love

vuukle comment

ALAMIN

ANO

BAKIT

DEAR SCORPIO GIRL

DR. LOVE

MAGULANG

SANA

SCORPIO GIRL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with