^

Dr. Love

Pangarap maging artista

-
Dear Dr. Love,

Isang mapagpalang araw. Ang suliranin ko po ay hindi sa pag-ibig, kaibigan o pamilya na kalimitang binibigyang-daan sa inyong column. Ang suliranin ko po ay tungkol sa aking pangarap.

Bata pa lamang ako ay pangarap ko nang maging isang artista. Ito ay para makilala ko nang lubusan ang sarili ko at pangalawa ay para kumita ako para sa akin at sa aking pamilya. Sinikap kong matupad ang pangarap na ito.

Nagtrabaho ako sa aming lalawigan hindi upang paghandaan ang pagpasok ko sa kolehiyo kundi upang ihanda ang aking sarili sa isang "workshop" sa isang malaking television netwok. Di-naglaon ay nag-resign na ako sa aking pinagtatrabahuhan sa aming probinsiya at lumuwas ng Maynila para magtrabaho. Agad naman akong natanggap.

Pero ang kita ko ay sapat lamang sa renta ng aking tinutuluyan at ang araw-araw na gastusin. Dito na naglaho ang pangarap kong makapasok sa acting workshop na may kabigatan sa bulsa ang bayad. Nawalan ako ng pag-asa at muling bumalik sa aming lalawigan.

Itinuon ko na lamang ang aking pansin sa pagmomodelo para sa isang fashion designer dito sa aming lalawigan. May fashion show kami sa susunod na buwan.

Dr. Love, sa pamamagitan ng inyong column ay nais kong pumasok sa pag-aartista. Sana ay may magbukas ng pintuan para sa pangarap kong ito. Marami pong salamat.

Joel


(042) 660-2708

0927-5023343


Dear Joel,


Okay ang mangarap. Pero ang pangarap ay dapat lakipan ng plano at pagsisikap para ito maabot.

Magkaroom ka rin ng alternatibo bukod sa pag-aartista para mabigo ka man ay mayroon kang ibang mapagbabalingan para sa iyong ikabubuhay.

Hindi panghabampanahon ang showbis. Marami ang sumikat ngunit nang mawala ang ningning ay naging mahirap pa sa daga.

Dr. Love

vuukle comment

AKING

BATA

DEAR JOEL

DITO

DR. LOVE

ISANG

ITINUON

MARAMI

PARA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with