^

Dr. Love

Di pa sawa sa buhay dalaga

-
Dear Dr. Love,

Have a nice day, Dr. Love, and all the staff of PSN.

I’m Bong Hernandez of Parañaque City. I don’t know if I’m still here when you publish this.

I have a girlfriend at mahal na mahal ko siya. I know she loves me too.

Pero natatakot ako na baka mawala siya sa akin. Kahit na kami na ay mayroon pa ring mga makukulit na nanliligaw sa kanya.

At dahil sa pinangangambahan ko, nagpasya po siya na umalis na ng Parañaque at mamalagi na lamang sa Bulacan. Madalas ay sa text lang kami nagkakaroon ng komunikasyon o sa pagcha-chat sa internet.

My girlfriend loves nightlife. She’s a party-goer. She’s younger than me kaya pilit ko siyang inuunawa. We have a plan to settle down pero bakit ganoon? Parang ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol sa plano naming ito.

Lately ay parang ayaw na rin ng mga kaibigan niya sa akin. Iniisip ko na lang na siguro ay ayaw nilang mawala ang buhay ng barkadahan nila. Sabi nga ng mga kaibigan ko ay i-give up ko na lang siya. Mahirap ang situation ko.

Pero mahal na mahal ko ang girlfriend ko at siya lang ang nais kong iharap sa dambana. Ano po ang dapat kong gawin? Dr. Love, please help me. Gulung-gulo na ang isip ko.

Sana ay mabasa ito ng mga kaibigan ng girlfriend ko para maniwala sila na gagawin ko ang lahat para sa kaibigan nila. Huwag silang mag-alala dahil mahal na mahal ko si Kym.

Thank you and God bless. Bong


Dear Bong,


Obviously, hindi pa handa ang girlfriend mo na mag-asawa dahil hindi pa siya nagsasawa sa good time at barkada.

Huwag mo siyang pilitin at baka magsisi ka pagdating ng araw. Sa attitude na ipinakikita niya, she’s not fit to be a housewife.

Isipin mo ang kahihinatnan ng magiging anak ninyo kung tulad niya ang magiging ina.

Siguro, nananaig sa iyo ang pag-ibig ngayon. Pero tiyak kong walang patutunguhang maganda ang pagsasama ninyo kaya makabubuting limutin mo na siya. Hindi dapat na ikaw lang ang nagmamahal. It takes two to tango, wika ka. Good luck.

Dr. Love

ANO

BONG HERNANDEZ OF PARA

BULACAN

DEAR BONG

DR. LOVE

GULUNG

HUWAG

INIISIP

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with