^

Dr. Love

Hindi niya ako mahal

-
Dear Dr. Love,

Una po, isang masayang pagbati sa inyo sa patuloy na pamamayagpag ng inyong column.

Ikalawa, ang hiling ko po, sana ay hindi kayo magsawa sa pagtulong sa aming mayroong mga problema sa puso.

Dr. Love, lumiham po ako sa inyo para hingan kayo ng payo sa boyfriend ko na huli na nang malaman kong niligawan lang ako para pagbigyan ang kanyang may karamdamang ina.

Itinakda na po ang kasal namin pero naipagpaliban dahil sa pagyao ng kanyang ina.

Nagkalinawan kami at inamin niyang mayroon na siyang ibang girlfriend pero isinakripisyo niya ang pagmamahalan nila para lang maibsan ang agam-agam ng kanyang ina.

Hindi naman ako walang pakiramdam at kahit masama ang loob ko, kinalasan ko siya dahil sa paniniwalang pinilit lang siya ng kanyang magulang para ako ay ligawan.

Ayaw sana niyang tanggapin ang pakikipagkalas ko sa kanya pero pinilit ko siyang balikan ang kinalasan niyang nobya.

Pinaniwala ko siyang wala akong sama ng loob at kaya kong dalhin ang aking sarili sa mga naganap na pangyayari sa buhay ko.

Hindi ko po matanggap na pinaniwala niya akong mahal niya ako gayong udyok lang pala ng kanyang ina ang panliligaw sa akin.

Gayunman, hindi ko naman siya masisisi sa pagsasabi ng totoo.

Naunawaan naman ako ng aking mga magulang. Salamat na lang daw at maagang naiwasto ang mga pangyayari.

Sa ngayon po ay iniiyakan ko pa ang nangyari sa aking buhay.

Hindi ko naman puwedeng pilitin siyang ituloy ang kasal namin kahit wala siyang pag-ibig sa akin.

Sa ngayon, nagkabalikan na sila ng kanyang dating nobya.

Masakit pa ang loob ko, pero dinadaan ko na lang sa dasal na sana’y makalimutan ko rin siya.

Salamat po sa paglalathala ninyo sa liham ko para maibsan naman ang aking pagdaramdam. Dina


Dear Dina,


Salamat na lang at habang maaga ay naiwasto ang dapat sana’y malaking pagkakamali ng pagpapakasal sa isang lalaking walang pag-ibig sa iyo.

Huwag mo nang damdamin ang pangyayaring ito dahil maaaring ginusto ito ng Panginoon para maiiwas ka sa higit na pagdaramdam kung sakali’t kasal na kayo at doon mo lang malalaman ang tunay na pangyayari.

Ituon mo ang pansin sa mga gawaing makapagbibigay sa iyo ng kaabalahan at kasiyahan para makalimutan mo rin ang nangyari sa iyong pag-ibig.

Makikita mo, bibihisin ka rin ng ibayo pang kaligayahan dahil mabait kang tao at marunong kang magpahalaga sa karapatan ng iba.

Sana, makatagpo ka ng lalaking tunay na magmamahal sa iyo. Dr. Love

vuukle comment

AKO

AYAW

DEAR DINA

DINA

DR. LOVE

GAYUNMAN

HUWAG

IKALAWA

LANG

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with