^

Dr. Love

Gusto ko sanang paniwalaan siya

-
Dear Dr. Love,

Good day po sa inyo!

Isa po ako sa masugid na tagahanga ng inyong column. Hindi po buo ang araw ko kung hindi ko nababasa ang pitak ninyo. Sana po ay lumawig pa ang pagtulong ninyo sa tulad kong mayroong problema sa puso.

Ang suliranin ko po ay ang lalaking nakapagpatibok ng aking puso.

Ako nga po pala si Mila, 23 years-old at isang saleslady sa isang department store sa Metro Manila.

Nakilala ko po si Text sa trabaho ko nang minsang mamili siya at tulungan ko siyang pumili ng damit para sa kanyang anak na lalaki.

Hindi naman niya inilihim ang estado niya sa buhay. Bagaman noon pa man ay naakit na ako sa kanya, alam kong walang pag-asa ang damdamin ko dahil may asawa na siya.

Laking gulat ko nang pagkaraan ng isang buwan ay muli siyang bumalik sa department store at hinintay ako palabas para i-treat sa isang restoran.

Hiwalay pala siya sa asawa. Matagal na raw. Nanligaw siya sa akin at pagkaraan ng ilang buwan, nang sasagutin ko na siya ay bigla siyang nawala. Nawalan kami ng komunikasyon.

Ganoon lang. Naghihintay sana ako pero ni tawag ay wala. Pagkaraan ng halos tatlong buwan, bigla na naman siyang sumulpot. Hindi ko siya hiningan ng paliwanag kung bakit bigla siyang nawala at wala rin naman siyang sinabi tungkol sa bigla niyang pagkawala.

Inuungkat sana niya kung ano ang nasa puso ko pero parang natakot na akong makipagrelasyon sa kanya. Sinabi niya kahit na hindi ko siya inuusisa na naging busy siya sa trabaho. Alam niyang hindi ako naniniwala sa explanation niya.

Gusto ko pa rin siya pero takot na akong makipagsapalaran sa isang relasyong mabuway at walang katatagan.

Nais ko po itong ihingi ng payo sa inyo. Dapat ko bang pakinggan ang puso ko?

Salamat po at more power.

Mila


Dear Mila,


Hindi bawat sandali ay pakikingggan mo ang puso mo sa paghahahanap ng lalaking kakasamahin mo sa buhay.

Base sa liham mo, tila kaunti pa lang ang impormasyon mo hinggil sa pagkatao ng crush mo. Bago ka makipagrelasyon sa isang lalaki, dapat ay kilala mo siya. Sa ganito, walang pagsisisihan sa dakong huli kung magkaroon ng problema ang relasyon ninyo.

Malabo nga ang paliwanag niya sa iyo kung bakit nawalan kayo ng komunikasyon sa loob ng tatlong buwan. Bigla na lang siyang sumipot uli nang walang abog-abog.

Dapat ay kilalanin mo munang mabuti kung sino siya. Kung papasok ka sa isang relasyon, mabuti na ang nakakasiguro ka sa kanya.

Alam kong pag-iisapan mong mabuti ang payong ito at hindi ka lang padadala sa tibok ng puso mo.

Ikaw lang ang nakakaalam ng tunay mong damdamin.

Dr. Love

ALAM

DAPAT

DEAR MILA

DR. LOVE

ISANG

KUNG

METRO MANILA

SIYA

SIYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with