From Italy, without love
April 2, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Kumusta ka na? Sana ay okey kayong lahat diyan. Madalas akong nagbabasa ng column mo sa pamamagitan ng internet. Araw-araw, bago ako magsimulang magtrabaho, ikaw muna ang binabasa ko.
Kaya heto, naengganyo akong sumulat sa iyo at sana ay matulungan mo ako. Im Roberto Tipan, regular worker dito sa Milano, Italy. Nais ko sanang magkaroon ng mga kaibigan at who knows, baka eventually ay maging asawa ko.
Prangka ako, 31 years-old. May girlfriend ako dati na naiwan diyan sa Pilipinas. Hindi kasi legal ang pagkakapunta ko dito sa Italy. Hindi siya nakatiis hanggang sa mag-asawa na siya. It happened eight years ago.
Single pa rin ako kasi natuon ang aking pansin sa aking trabaho at tila nakalimutan ko na ang sarili kong kaligayahan. Dito sa Milano ay madali ang babae pero ayoko. Hindi naman ako kagandahang lalaki pero marami ang nagkakagusto sa akin.
Dr. Love, please. Baka sa pamamagitan ng column mo ay makatagpo ako ng aking hinahanap na kapareha. Ipinapangako ko na hindi siya magsisisi. Salamat sa pagkakalathala mo sa sulat ko.
Lubos na umaasa,
Roberto Tipan
Via Montenapoleone, 27/E
20121 Milano,
Italy
Text: (0039) 03398860960 or (0347) 77219453
Dear Roberto,
Nakasisiyang malaman na kahit sa ibang bansa ay nakakapaglingkod ako sa mga kababayan natin.
Inilalathala ko ang buo mong pangalan at address at umaasa ako na sa mga magdadagsaang sulat sa iyoy matatagpuan mo ang iyong mamahalin habambuhay.
God bless you and to all our kababayans out there in Italy.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am