^

Dr. Love

Taksil at sinungaling

-
Dear Dr. Love,

Good day to you, Dr. Love. Matagal na po akong sumusubaybay sa inyong column dahil napakagaling talaga ninyong magbigay ng payo. The best talaga kayo sa lahat.

Ako nga po pala si Rita ng Iloilo City pero nagtatrabaho sa Makati City. Nakatira ako sa Malabon City.

Ang problema ko po ay ang aking boyfriend na tawagin na lamang nating si A.C. ng Samar, Leyte. Tatlong taon po kaming nagsama at kapwa namin mahal ang isa’t isa.

Pero nauwi sa wala ang aming pagmamahalan dahil nahuli ko siyang nakikipaghalikan sa isang babae. Pero ang sabi niya ay pinsan daw niya yung babae. Hindi ako naniwala.

Umuwi ako ng probinsiya at apat na taon kaming hindi nagkita. Pero hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya.

Ano po ang dapat kong gawin? Dapat ko ba siyang puntahan sa kanyang pinagtatrabahuhan?

Aasahan ko po ang inyong sagot. Thank you and God bless you always.

Lubos na gumagalang,

Rita


Dear Rita,


Nasubukan mo na siya. Kahit nahuli mo siya sa akto ay sinabi niyang pinsan niya ang kanyang kahalikan. Hindi lang siya taksil kundi sinungaling pa.

Kung mahal ka niya, dapat sana’y umamin siya sa pagkakamali niya at humingi ng tawad sa iyo.

Ano man ang namagitan sa inyo ay ibaon mo na sa limot. Alam kong marami pang lalaki riyan na higit na karapat-dapat sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AASAHAN

ALAM

ANO

DAPAT

DEAR RITA

DR. LOVE

ILOILO CITY

MAKATI CITY

MALABON CITY

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with