Dalawa silang naglaho sa buhay ko
March 16, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
A pleasant day to you and warm regards to all the members of PSN staff.
Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng pitak na ito. Kaya po ako lumiham ay para maibahagi ko ang masaklap na karanasan ko sa pag-ibig at sana ay matulungan ninyo ako kung ano ang mabuti kong gawin.
Limang buwan na po kaming hiwalay ng ex-girlfriend ko dahil umuwi na siya sa probinsiya. Doon na raw po siya mag-aaral. Wala na po akong tinatanggap na balita mula sa kanya nang makilala ko naman si Miss Aries ng Isabela na kasama ko sa pinaglilingkurang restoran.
Habang tumatagal, nararamdaman kong napapamahal siyang lalo sa akin. Minsan hinalikan niya ako sa pisngi. Nagbabasa ako noon ng PSN nang lumapit siya sa akin at pinilit niyang hawakan ang mga kamay ko.
Nalango ako sa kanyang mga ganitong paglalambing. Tinanong ko ang mga malalapit niyang kaibigan at inalam kung mayroon na siyang boyfriend at nakahinga ako nang maluwag nang malaman ko na wala pa pala.
Minsan, nagkaroon ng emergency call sa akin sa lalawigan at kinailangan kong umuwi. Nagpaalam naman ako sa kanya at nangakong babalik kaagad.
Pero laking lungkot ko nang pagbalik ko ay wala na siya. Naglaho siyang parang bula. Nabatid ko sa ibang kasamahan namin na umalis na raw siya.
Ano po ang dapat kong gawin? Ikaw na lang po ang tanging makakatulong sa akin para sakaling mabasa niya ang liham ko ay malaman niyang mahal na mahal ko siya. Payuhan po ninyo ako at may the Lord bless you always.Mr. Education ng Sampaloc, Manila
Dear Mr. Education,
Inaasahan kong mababasa niya ang liham mo sa pitak na ito para naman malaman mo kung nasaan na siya. Talagang ganyan ang pag-ibig. Mailap ito tulad ng ibon kung hinahabol-habol mo.
Nagparamdam ka na ba sa kanya na mahal mo siya? Baka akala niya ay hindi ka na babalik kaya umalis na rin siya sa inyong trabaho. Baka naman may iba rin siyang dahilan na siya lang ang nakakaalam.
Kung talagang mahal mo siya, pilitin mong alamin kung saan siya matatagpuan at puntahan mo siya sa kanyang tirahan. Tantiyahin mo rin kung true love ang nararamdaman ko kay Miss Aries. Baka naman hindi at infatuation lang. Good luck.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended