^

Dr. Love

Tinanggal ni Hesus ang bukol sa likod ko - Lola Persing

-
Ang ayaw na ayaw ko pa naman ay ang maoperahan.

Kahit nang ako’y bata pa, kapag nakakakita ako ng dugo, ako’y natatakot. Hindi nga talaga ako puwedeng maging doctor o nurse man lamang. Napakamatatakutin ko sa dugo lalo na sa dugo ng tao.

Ngayong ako’y lola na, dumating ang matinding pagkatakot ko nang sabihan ako ng doctor na tumingin sa akin na kailangan na maalis ang bukol na kasinlaki ng buto ng mais na tumubo sa aking likuran dahil kung hindi ay magiging cancer ito.

Maliban pa rito, kumikirot at masakit kapag ito’y sinusumpong. Sa tuwing nasasagi ito sa pagsusuot ko ng damit, dumudugo ito. Hindi ako mapalagay at hindi ko na talaga matiis ang sakit na ito.

Noong gabi bago ako operahan kinabukasan, mataimtima kong nanalangin sa Panginoong Hesus na pagalingin

Niya ako upang hindi na ako maoperahan pa kinabukasan.

Habang ako’y nananalangin, bigla ko na lamang naramdaman na mayroong tumusok sa aking likuran at napakasakit. Pagkatapos kong manalangin, ako’y humiga na at natulog.

Kinaumagahan sa aking paggising, sa gulat ko ay nawala ang bukol sa aking likuran. Hinipo ko at talagang nawala na. Wala na akong nararamdamang sakit. Talagang pinagaling ako ng Panginoong Hesu Kristo sa gabing yaon nang ako’y umiiyak na nananalangin sa Kanya. Buhay na buhay ang Panginoong Hesu Kristo at talagang hindi ka Niya tatanggihan kapag lumapit ka sa Kanya. Purihin ang Panginoong Hesus.

Lola Persing


(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 2738256/270-3863; Q.C., 724-0676; Paranaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171.)

AKO

BUHAY

CAINTA

HABANG

KANYA

LOLA PERSING

NIYA

PANGINOONG HESU KRISTO

PANGINOONG HESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with