^

Dr. Love

Iwasan ang kapusukan

-
Dear Dr. Love,

I’m one of your avid readers at advices mo lang ang inaasahan ko para ma-solve ko po ang suliranin ko. Tawagin n’yo na lang po ako sa pangalang Era. I’m going 20 and Jade is 23. Limang taon na po kami last May at may nangyari na po sa amin. He’s graduating this March.

Galit po sa amin ang mga magulang niya dahil nalaman nilang may naganap na sa amin at kahit noon pa ay ayaw na talaga nila sa relasyon namin dahil masyado pa raw akong bata. ‘Yan po lagi ang pinagmumulan ng away namin ni Jade at hanggang humantong sa paghihiwalay ngunit mahal po namin ang isa’t isa kaya ipinagpatuloy namin ito. Maraming beses na kaming naghiwalay at nagkakabalikan din.

Ayaw ko pong magalit ang parents niya pero ginawa ko na ang lahat ng paraan para magustuhan nila ako pero wala pa rin. Noong Dec. 31 ay isinama ako ni Jade sa kanila. Inasikaso naman ako ng Mama niya pero halata ko pong napipilitan lamang ito. Habang nagkakantahan kami ni Jade ay bigla na lang nitong sinabihan si Jade na "Wala ba kayong balak matulog?" Hinayaan ko na lang po ito at niyaya kong umuwi si Jade at nakiusap ako na ihatid niya ako sa bahay tutal ay malapit lang ang amin sa kanila. Sa daan ay nagkaroon kami ng alitan hanggang sabihin ni Jade na pagod na raw ako sa kakaunawa sa kanya eh, wala naman akong sinasabi at bigla itong nag-walk-out.

Nag-usap kami ni Jade kinabukasan at sinabi nitong nahihiya lang daw siya sa akin dahil sa ginawa ng Mama niya. Ok lang sabi ko.

Naguguluhan po ako. Mahal ko po si Jade ngunit ayaw ko pong magkagalit sila ng magulang niya kasi alam kong ako ang dahilan.

Minsan iniisip ko na lang po na umalis at iwan si Jade for the sake of all. Kahit pa mahal ko siya ay di ko kayang ako ang dahilan ng di nila pagkakaunawaan ng Mama niya. Alam kong nahihirapan si Jade at ayaw niya lang itong ipaalam sa akin.

Ano po ang gagawin ko? Ayoko pong magkamali ng desisyon. Mahal din po kaya niya ako? Aasahan ko po ang inyong kasagutan. More power and thank you.Gumagalang,

Era


Dear Era,


Iwasan na ninyo ang kapusukan and concentrate on your studies. Huwag n’yo nang hintaying magbunga nang ‘di oras ang inyong ginagawa.

If you love each other, paghandaan ninyo ang future. Pag nakatapos na kayo, wala nang tututol sa inyong pag-iibigan.

Dr. Love

vuukle comment

AASAHAN

AKO

ALAM

ANO

DEAR ERA

DR. LOVE

JADE

LANG

NIYA

NOONG DEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with