^

Dr. Love

Maliit na boobs

-
Dear Dr. Love,

Isa pong masaganang pagbati at sana, magpatuloy ang pamamayagpag ng inyong column sa malaganap ninyong pahayagan.

Ako po ay wala pang 20-anyos, isang estudyante sa kolehiyo pero hanggang ngayon ay wala pang boyfriend.

Hindi naman po ako pangit kung mukha ang pag-uusapan, 5’6" at tumitimbang ng 100 lbs. May kurba naman ang aking katawan pero ang problema ko, maliit ang aking dibdib.

Malimit kong nauulinigan na kung mayroon lang akong boobs, maraming hahabol sa aking mga binata.

Pipi talaga ang dibdib ko at plano ko sanang magpatanim ng artipisyal na boobs para makaakit ng guwapong binata.

Payuhan po ninyo ako. Hindi ko po alam kung makatwiran ang balak na ito. Ayaw pumayag ng aking parents sa plano ko dahil mayroon daw mga side effects ang pagkakaroon ng artipisyal na boobs.

Hangad ko po ang patuloy ninyong tagumpay.

Gumagalang,
Marie


Dear Marie,


Hindi naman lahat ng binata ay nagnanais na magkaroon ng nobyang may malusog na boobs. Ang pagkakaroon ng magandang katawan ay hindi rin naman pasahe sa pagkakaroon ng maligayang buhay.

Ang importante, mamahalin ka ng binatang hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng isang dalaga kundi sa malinis niyang pag-uugali at pagkakaroon ng iba pang katangiang titiyak sa pagiging mabuting ina at asawa.

Anyway, kung ang nais mo ay magkaroon ng katakam-takam na pangangatawan, magpapayo ka sa manggagamot na eksperto sa pagtatanim ng hormones sa dibdib.

Teka, bakit hindi ka muna magtiyagang mag-ehersisyo sa pagpapaganda ng dibdib? Baka makatulong ito sa iyong problema.

Dr. Love

AYAW

DEAR MARIE

DR. LOVE

GUMAGALANG

HANGAD

ISA

MALIMIT

PAYUHAN

TEKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with