Masakit ang paratang
September 9, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa masugid ninyong tagasubaybay. Naisipan ko pong lumiham sa inyo para maibsan ang suliranin ko. Ito po ay may kinalaman sa dati kong nobyo at matalik na kaibigan. Sila na ngayon ang magnobyo matapos akong mabiktima ng maling paratang.
Hindi ko po akalain na sisiraan ako ng aking kaibigan sa boyfriend ko para lang mabaling sa kanya ang atensiyon nito.
Mahina rin naman ang tiwala sa akin ni Boboy at naniwala agad siya kay Florence na may iba akong mahal at humahanap na lang ako ng daan para siya ay kalasan.
Hindi ko po ipinagkakaila na mayroon ngang ibang nanliligaw sa akin. Pero alam ito ni Boboy at hindi ko rin naman inilihim sa manliligaw kong ito na mayroon na akong nobyo.
Si Florence ang siyang nagtahi-tahi ng mga kuwento para kamuhian ako ni Boboy at kumalas ito sa akin. Isang buwan lang mula nang mag-break kami ay silang dalawa na ang mag-sweetheart ngayon.
Masakit na tumanggap ng paratang na hindi totoo at masakit ding mabatid ang katotohanan na hindi matatag ang tiwala sa akin ni Boboy.
Hindi ko na ninais pang magpaliwanag sa aking boyfriend dahil palagi ko namang sinasabi sa kanya na anuman ang marinig niyang tsismis ay wala itong katotohanan at siya lang ang mahal ko.
Pero inaaway niya ako kung kayat hindi ko na siya hinabol pa. Lumayo na rin ako sa kaibigan ko dahil isa siyang ahas at hindi dapat pagkatiwalaan.
Masakit pa sa loob ko ang nangyaring karanasan at ang tanging konsuwelo ko lang ay ang nanliligaw sa akin na siyang nakakaunawa sa lahat ng mga nangyari. Handa siyang magpaliwanag sa dati kong nobyo pero pinigilan ko ito.
Tama po ba ang ginawa ko? Dapat ko na bang kalimutan si Boboy?
Gina
Dear Gina,
Salamat sa liham mo at sa pagtangkilik mo sa pitak na ito at sa aming pahayagan. Asahan mong lalo pa naming pagbubutihin ang mga inilalathala naming mga balita at impormasyon.
Tungkol sa best friend mo at dating boyfriend, huwag mo nang panghinayangan pa ang pagkawala nila sa buhay mo. Ipanalangin mo na lang ang kanilang kaligayahan.
Natitiyak kong mayroong iba na magpapaligaya sa iyo. Kapag ang isa raw tao ay inapi nang walang basehan at kadahilanan, asahan mong ang taong ito ay bibihisan ng mga biyaya at kaligayahan.
Walang kuwenta ang isang relasyon kung walang tiwala ang partner mo at nadadala sa udyok at paninira ng iba. Pasalamat kat nakilala mo siya nang maaga.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended