Sising-sisi
August 27, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo. Naengganyo po akong sumulat dahil magaling kayong magbigay ng payo lalo na sa mga katulad kong loveless.
Just call me Rochelle ng Alabang. I am 19 years-old. Mahigit isang taon na kaming break ni Sambad, ang dati kong boyfriend.
Sising-sisi ako at labis na nanghihinayang sa aming relationship. Kasalanan ko kung bakit nawala sa aking buhay si Sambad. Huli na nang ma-realize ko na mahal ko pala siya.
Hanggang ngayon ay loveless pa rin ako. Hinihintay ko siyang bumalik sa akin at sana sa pamamagitan ng column mo ay malaman ni Sambad na siya ang pinakamamahal ko at pinagsisisihan ko na ang mga pagkakamaling nagawa ko sa kanya.
Dapat po ba akong umasa na magkakabalikan kami? Lubos na nagpapasalamat,
Rochelle
Dear Rochelle,
Sa palagay ko ay mabigat ang nagawa mong kasalanan kay Sambad dahil hindi ka na niya nagawang mapatawad. O baka naman hindi ka man lang gumawa ng paraan para humingi ng tawad sa kanya.
Subukan mong kausapin siya at humingi ng tawad at kung sakaling patawarin ka niya, good for you. Kung hindi naman, dont force the issue. Life has to go on for you. Bata ka pa at marami ka pang makikilala.
Isa lang ang maipapayo ko sa iyo sakaling magkaroon ka ng bagong boyfriend. Huwag mo nang ulitin ang ginawa mo kay Sambad (kung anuman iyon dahil hindi mo naman nabanggit sa sulat mo) para hindi ka magsising muli kapag nawala na naman ito sa buhay mo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended