^

Dr. Love

Sawi si Merly

-
Dear Dr. Love,

Isa po ako sa maraming tagasubaybay ng inyong column. Nagkalakas ako ng loob na sumulat sa inyo at sana’y mabigyan ninyo ng katugunan o kasagutan ang problema ko.

Ako po si Merly Villamor, 32 years-old. Palagi akong malas pagdating sa pag-ibig at hindi ko alam ang dahilan. December 21 nang maghiwalay kami ng boyfriend ko. Hanggang ngayon ay wala na kaming communication o balitaan. Sa simula pa lang ay minahal ko na siya at magpahanggang ngayon. May nakapagsabi sa akin na may asawa’t anak na siya. Masakit isipin pero tinanggap ko ang lahat. Ngayon ay darating na naman ang kaarawan ko at nag-iisa ako.

Sana sa pamamagitan ng column mo ay mabigyan mo ako ng mga kaibigan sa panulat o panghabambuhay na. Sana siya ay mabait, maunawain at mahaba ang pasensiya. Maraming-maraming salamat, Dr. Love, at more power to you and PSN staff.

Always,
Merly Villamor
37 corner 8th Avenue Main,
Brgy. Socorro, Murphy, Cubao, Q.C.


Dear Merly,


Harinawang maging magandang aral sa iyo ang mapait mong karanasan.

Sensitibong bagay ang pakikipagrelasyon at dapat maging matalino at maingat ang isang babae kapag nililigawan.

Maraming lalaki ang matamis ang dila sa panliligaw. Ipinakikita lamang ang magaganda nilang katangian para lamang mapaibig ang babae.

Ngunit ikaw ay binigyan ng talino ng Diyos. Gamitin mo iyan.

Inilalathala ko ang buo mong pangalan at address. Umaasa akong sa susunod ay magiging mapili ka na at matalino sa mga lalaking mag-aalok sa iyo ng pag-ibig.

Dr. Love

vuukle comment

AVENUE MAIN

BRGY

CUBAO

DEAR MERLY

DIYOS

DR. LOVE

GAMITIN

MARAMING

MERLY VILLAMOR

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with