^

Dr. Love

Pabitin-biting pagmamahal

-
Dear Dr. Love,

Matagal ko na pong gustong sumulat sa inyo kaya heto ako't nagdudulog ng problema para sa kaukulang payo.

Matagal na po akong nanliligaw kay Nelia. Pero hanggang ngayon ay pabitin-bitin pa ang kanyang kasagutan sa hindi ko malamang dahilan.

Noong una, sinabi niyang gusto muna niyang makatapos ng pag-aaral. Tapos na kami pareho ng kolehiyo pero nalimutan na niya ang pangako sa akin.

Hindi ko rin naman siya inaapura sa isyu dahil ika ko naman, nandiyan lang naman siya (malapit ang bahay namin sa isa't isa) at ang turing naming dalawa sa isa't isa ay malapit na magkaibigan.

Noon, seryoso ang dating ko sa kanya sa panliligaw. Pero binago ko ang strategy at nilubayan ko na ang kauungot ng sagot niya.

Alam kong mayroon akong karibal sa kanya. Pero hindi pa rin niya ito sinasagot.

Ano kaya ang mabuti para magkaliwanagan na kami?

Matagal na akong bitin na bitin sa matamis niyang oo.

Dandy


Dear Dandy,


Kung ganyang nasa husto na kayong gulang at nakahanda nang pumasok sa pagpapamilya, aba'y seryosohin mo na uli ang panliligaw sa kanya at baka ka maunahan ng karibal mo sa pagmamahal.

Maaaring kaya pabitin-bitin din ang pagsagot sa iyo ng minamahal mo ay nakikita niyang parang pabiro lang ang panliligaw mo sa kanya.

Apurahin mo na. Kung ayaw pa, eh maghanap ka na ng iba.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

ANO

APURAHIN

DEAR DANDY

DR. LOVE

MAAARING

MATAGAL

NELIA

NOONG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with