^

Dr. Love

Problemang seksuwal

-
Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo.

Ako po ay 34 years-old na at nakatatlong asawa na. May tig-isa akong anak sa dalawang una kong asawa at dalawa naman ang anak ko sa huli.

Ang problema ko po ay tungkol sa sex. Mahusay po ako dito kung tutuusin at hindi na mabilang ang mga babaeng nabigyan ko ng kasiyahan sa pakikipagtalik.

Ang problema ko po ay madali akong labasan. Minsan naman ay napipigil ko ngunit pagkatapos ng unang round ay hindi na ako makaulit.

Sa isip ko po, gusto ko pa pero pagod na ang aking katawan.

Sana po ay matugunan ninyo ang problema ko.

Mayroon po akong high blood pressure. May kinalaman kaya ito sa paghina ng resistensiya ko sa pakikipagtalik?

Best regards,
Arman


Dear Arman,


Kung mayroon kang alta presyon at mayroon kang iniinom na pangmantinang medisina, maaaring may kinalaman nga ang karamdaman mo sa problema mo.

Huwag mong abusuhin ang sarili mo lalo na't umiinom ka ng alak at naninigarilyo.

Kailangan mong magpatingin sa manggagamot at doon sabihin ang problema mo. Mayroong mga gamot na pampababa ng presyon na nakakaapekto sa pakikipagtalik ng isang lalaki.

Biro mo, nakatatlo ka nang asawa, hindi ka pa nasisiyahan sa isang beses na pakikipagtalik?

Dr. Love

vuukle comment

ARMAN

BIRO

DEAR ARMAN

DR. LOVE

HUWAG

KAILANGAN

MAGANDANG

MAHUSAY

MAYROON

MAYROONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with