^

Dr. Love

One more chance

-
Dear Dr. Love,

Good day! I just want to seek advice from you about my friend’s problem.

Just call her Kaye. Almost five months na silang break ng kanyang boyfriend na si Billy pero hanggang ngayon ay kinukulit pa rin siya nito at humihingi ng chance na magkabalikan sila.

Kaye refused him. Wala na po kasing tiwala ang friend ko dahil nagtaksil si Billy. May niligawan itong ibang babae kahit na mag-on pa sila ni Kaye. Isa pang negative na ugali ni Billy ay ang pagiging seloso nito. Kahit kaming mga kaibigan ni Kaye ay pinagseselosan nito dahil lagi raw namin itong kasama sa aming mga gimik. Wala namang masama doon, hindi ba?

At present, wala na silang dalawa pero hahabol-habol pa rin si Billy at gusto pa niyang magpakasal na sila ni Kaye. Para bang si Billy pa ang naagrabyado.

Maybe, kaya nagkakagayon si Billy ay dahil may tinapos na kurso ang friend ko samantalang siya ay vocational lang ang natapos. Nagbabanta pa si Billy na may mangyayaring masama sa mga manliligaw ni Kaye.

Ang payo ko sa kanya ay manalangin at ipaubaya na lang ang lahat kay Lord, pero my advice is not enough so please help her.

Thank you and more power to your column. I really admire you.
Thelma


Dear Thelma,


Una sa lahat, salamat sa liham mo. Isa kang mabuting kaibigan na nagpapahalaga sa kapakanan ng isang kaibigan. Mapalad si Kaye sa pagkakaroon ng isang friend na tulad mo.

Bukod sa pagdarasal, payuhan mo ang kaibigan mo na huwag matakot sa mga banta ni Billy. Maaaring natauhan na si Billy na siya ang may mali kung kaya’t kinalasan siya ni Kaye.

Makabubuting tapatin na ni Kaye si Billy at mag-usap sila nang masinsinan. The more na iiwasan niya ito ay lalong lalakas ang loob ni Billy na takutin siya.

Makitid ang pang-unawa ni Billy kaya dapat na lawakan ni Kaye ang pang-unawa sa kanya.

Sa pakikipag-usap sa kanya, dapat ay huwag magpakita ng takot si Kaye. Sabihin niyang hindi muna siya makikipagrelasyon sa iba dahil sa nangyari sa kanilang relasyon ni Billy.

Makabubuting ipakita ni Kaye na bagaman nasaktan siya sa ginawa nito, napatawad na niya ito at inaasahang magpapatuloy ang kanilang pagiging magkaibigan.

Dr. Love

BILLY

BUKOD

DEAR THELMA

DR. LOVE

ISA

KAHIT

KAYE

MAKABUBUTING

SIYA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with