^

Dr. Love

Masalimuot na pag-ibig

-
Dear Dr. Love,

Ako’y 39 years-old na pero binata pa rin. Umiibig ako sa babaeng ang edad ay halos kalahati ng aking edad.

Siya ay apo ng may-ari ng kompanya na aking pinapasukan. Nararamdaman kong may pagtingin din siya sa akin bagaman hindi kami nagkakausap. Pero halos araw-araw kaming nagpapangita sa pabrika.

Mahiyain ako at nag-aalangan dahil sa aming kalagayan. Nguni’t nasa kanya ang mga katangian na hinahanap ko sa isang babae.

Gusto ko sanang humingi ng payo kung ano ang dapat kong gawin para maipakita ko at maipadama sa kanya ang aking pagmamahal.

Hanggang dito na lamang at umaasa akong matutulungan mo ako sa aking suliranin.

Aries


Dear Aries,


Parang eksena sa pelikula ang iyong pag-ibig. Paano mo naman nasabing may pagtingin siya sa iyo gayong hindi naman pala kayo nagkakausap?

Baka naman akala mo lang ito dahil sa sobrang pagkagusto mo sa kanya. Baka nami-misinterpret mo lang ang kanyang mga kilos.

Hindi sa anupaman pero bakit hindi mo siya subukang kausapin hanggang sa maging magkaibigan kayo. Walang mangyayari sa iyo kung patingin-tingin ka lang.

Kailangang malaman mo rin ang kanyang estado sa buhay. Baka naman may nobyo na ito.

Ingat ka rin sa paghahayag ng iyong damdamin dahil baka maging dahilan ito para mawalan ka ng trabaho, katulad ng nagaganap sa mga palabas na hindi kailanman matatanggap ng ibang mayayaman na umibig sa mahirap ang kanilang mahal sa buhay.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR ARIES

DR. LOVE

HANGGANG

INGAT

KAILANGANG

MAHIYAIN

NARARAMDAMAN

NGUNI

PAANO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with