^

Dr. Love

May anak na ang mahal ko

-
Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mr. Vhines, 25 years-old ng Morong, Rizal.

Iisa lang ang babaeng nagpatibok ng puso ko–si Ms. D. Akala ko ay kaming dalawa na habambuhay.

Nagsasama na kami pero binawi siya ng kanyang mga magulang. Kasama nilang binawi ang anak namin na nasa sinapupunan ni Ms. D. Inilayo nila sa akin ang aking mag-ina at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila nakikita.

Maraming babae ang nakarelasyon ko pagkatapos ni Ms. D pero hindi ko naramdaman sa kanila ang pag-ibig na naramdaman ko kay Ms. D. Pero nagkaroon ako ng kaibigan na isang dalagang-ina at isang araw, naramdaman ko na lamang na mahal ko siya. May relasyon na kami ngayon pero marami ang tumututol. Sabi nila ay napakatanga ko raw at sa may anak pa ako nagkagusto. Marami naman daw na mga dalaga na nagkakagusto sa akin kung bakit sa may anak pa ako pumatol.

Karma ba ito? Tama ba ang desisyon ko na makisama sa kanya?

Sana ay payuhan ninyo ako. Thank you very much and more power.

Sincerely yours,
Mr. Vhines


Dear Mr. Vhines,


Masama ba ang umibig sa isang dalagang -ina? Hindi. Kung siya ay walang asawa at naanakan lang ng ibang lalaki, walang masama.

Pero ibang usapan ang pakikipag-live-in. Kung mahal mo siya, pakasalan mo siya para maging legal sa mata ng Diyos at tao ang pagsasama ninyo.

Sex committed out of wedlock is sin. Kung di pa kayo kasal, kawawa ang magiging supling ninyo na illegitimate.

Dr. Love

vuukle comment

DIYOS

DR. LOVE

IISA

INILAYO

KASAMA

MARAMI

MARAMING

MR. VHINES

MS. D

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with