^

Dr. Love

Naguguluhan

-
Dear Dr. Love,

Sumulat po ako sa inyo para humingi ng payo dahil naguguluhan po ako. Tawagin na lamang ninyo akong Ms. Pisces, 20 years-old, may asawa at anak at isang buy-and-sell barter sa Cagayan de Oro.

Ang problema ko po ay si Joel, 36 years-old. May asawa din siya at anak. Si Joel ang nagdadala sa akin ng mga stock mula sa malalayong lugar. May mga kasamahan din ako na dinadalhan niya ng stocks.

Habang tumatagal ay parang nade-develop ako sa kanya nang dahil na rin sa tuksuhan ng aming mga kasamahan. Naging kaibigan ko siya pero hindi ko alam ang kanyang saloobin sa akin.

Bata pa ko nang mag-asawa, 18-anyos lamang, kaya ang sabi ng marami ay hindi pa ako kuntento sa aking pagdadalaga.

Bakit kaya ako nagkaganito? Hindi ko maisip kung bakit kung kailan pa ako nagkaroon ng asawa at anak ay saka ko pa naramdaman ang bagay na ito. Kahit na may asawa na ako ay marami pa rin ang lumiligaw sa akin.

Dr. Love, ano po ang gagawin ko? Naguguluhan po ako. Sana ay payuhan ninyo ako.

Ms. Pisces ng Cagayan de Oro City


Dear Ms. Pisces,


Habang maaga pa ay umiwas ka sa tukso. Siguro ay paghanga lamang ang nararamdaman mo para kay Joel pero naipagkakamali mo ito sa ibang bagay.

Hindi katwiran na maaga kang nag-asawa para maghanap ng ibang pagmamahal. Napaka-unfair nito para sa iyong asawa na wala naman atang ginagawang masama para kaliwain mo. Isa pa, hindi ka ba naaawa sa inyong anak?

Wala ka na bang ibang makukunan ng kalakal bukod kay Joel? Huwag kang magpakita ng motibo kay Joel dahil baka patulan ka niya at magsisi ka sa bandang huli.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ASAWA

BAKIT

BATA

DR. LOVE

HABANG

HUWAG

MS. PISCES

ORO CITY

SI JOEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with