^

Dr. Love

Silahis ang love ko

-
Dear Dr.Love,

Praise be Jesus Christ!

Itago mo na lang ako sa pangalang Michelle. Lumiham po ako para ihingi ng payo ang kasalukuyang problema ko sa pag-ibig.

Umiibig po ako sa isang silahis. Habang lumilipas ang mga araw, nararamdaman ko na parang may gusto rin siya sa akin.

Siyempre, sa isang babae, nararamdaman niya kung may gusto sa kanya ang isang lalaki. Unti-unti na pong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Tuwing kaharap ko siya, name-mental block ako.

Kinagagalitan ako ng friends ko sa pag-iinarte ko raw ng ganito.

Puwede po bang bigyan ninyo ng solusyon ang problema ko? I really love him even if he is silahis.

Hihintayin ko po ang kasagutan ninyo. Salamat po sa tulong ninyo.
Michelle


Dear Michelle,


Salamat sa liham mo. Wala namang masama kung magkaroon ka ng crush sa isang silahis subali’t dapat mo ring ihanda ang loob mo kung dumating ang panahon na magkaroon ka ng problema sa inyong relasyon.

Hindi mo nasabi kung bakit nalaman mong silahis ang crush mo. Baka naman napagkakamalan lang siyang silahis, hindi kaya?

Anyway, kung ang isang guy ay silahis, natural na hindi laging may puso siyang lalaki. Dumarating din ang pagkakataong maghahanap siya ng lalaki. Hindi ka kaya mawalan ng respeto at pag-ibig kung sa sandaling dumating na ang pagkakataong ito na ang kaagaw mo sa pag-ibig sa kanya ay isang lalaki?

Hindi mo rin ganap na alam kung talagang mayroon siyang kursunada sa iyo. Baka naman palagay mo lamang iyan.

Mayroong mga silahis na nanliligaw para lang alamin ang kaibahan ng isang lalaki sa babae pero dumarating din naman na sa pagpapasiya niya sa kasarian mas gugustuhin niyang maging isang babae.

Isipin mo rin ang mga bagay na ito bago mo tuluyang ihulog ang loob mo sa kanya.Dr. Love

DEAR MICHELLE

DR. LOVE

DUMARATING

HABANG

HIHINTAYIN

ISANG

JESUS CHRIST

KUNG

MICHELLE

SILAHIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with