^

Dr. Love

Dalawa ang boyfriend ko

-


Dear Dr. Love,


Greetings in the name of our Lord and Saviour Jesus Christ!

Matagal na po akong nagbabasa ng column ninyo at akala ko ay hanggang sa pagbasa na lang ako, but I found out na kailangan ko pa rin palang humingi ng advise ninyo.

I’m Lynniel Ababa, 23 years old, and in fourth year college sa isang paaralan sa Tagum City.

Mayroon po akong dalawang boyfriend — sina Edwin na taga-Tagum at David from U.S.A.

Naguguluhan po ako kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin ko kasi pareho ko silang mahal.

Sa David, diborsiyado na doon sa USA at may isang anak na babae. Nagpunta na siya rito sa Pilipinas para pakasalan ako.

Ang boyfriend ko naman dito sa Pilipinas ay binatang-binata at walang sabit sa buhay. Kaya lang, isa lang siyang driver.

He proposed also to marry me. Dr. Love, sino sa dalawa ang aking pipiliin?

Sana ay mapayuhan ninyo ako.

Thank you, more power and God bless you!

Always,

Lynniel


Dear Lynniel,


Salamat sa pagtangkilik mo sa pitak na ito at sana rin ay matulungan kita sa problema mo.

Hindi talaga madali ang pamimili sa isang lalaking kakasamahin sa buhay. Subalit hindi ka mahihirapang mamili kung ang susundin mo lang ay ang tunay na itinitibok ng puso mo at kung sino sa kanila ang tunay na may pagmamahal sa iyo.

Mas mahal mo ang isang tao kung ganap mo siyang kilala, matagal mo siyang nakasama at hindi na kayo nagpaplastikan sa tunay na ugali.

Sa tingin ko ay mas mahal mo ang lokal mong boyfriend, kaya nga lang ang inaalala mo ay hindi ka niya mabibigyan ng magandang buhay dahil sa ang sabi mo ay isa lang siyang driver.

Si Dave, bagaman dati nang may asawa at diborsiyado na ay mayroon pang isang anak. Hindi ba mas mahirap iyan dahil hindi mo pa siya ganap na kilala at mahirap ang adjustment na gagawin mo?

Kahit sa US, mayroong tinatawag na dignity of labor at hindi dito binibigyan ng partikular na pansin kung ano ang trabaho basta marangal at nakabubuhay ng pamilya.

Anyway, ikaw naman ang siyang nakakaalam nang lubos ng tunay mong damdamin. Kaya nga lang, ang payo ko sa iyo, ang pipiliin mong pakakasalan ay yaon talagang alam mong tiyak ang damdamin para sa iyo at hindi ka paluluhain lamang.

Huwag kang padadala sa kinang ng pera at maibibigay sa iyong luho ng katawan.

Magpasiya ka base rin sa tunay mong damdamin at katiyakang mahal ka dahil ikaw ay ikaw at hindi dahil sa ibang kadahilanan.

Regards at sana mahanapan mo ng tamang solusyon ang problema mo base sa mga gabay na ibinigay ko sa iyo.

Dr. Love

DEAR LYNNIEL

DR. LOVE

KAYA

LANG

LORD AND SAVIOUR JESUS CHRIST

LYNNIEL ABABA

PILIPINAS

SA DAVID

SI DAVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with