^

Dr. Love

Nang dahil sa pag-ibig

-
Dear Dr. Love,

I’m one of your avid readers. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nababasa ang column mo, lalo na kapag waalang naka-indicate na hindi muna ito matutunghayan.

Itago na lamang ninyo ako sa code name na "Kitty." Mayroon akong dalawang kaibigan–sina Pooh at Tweety. Matagal ko nang kaibigan si Pooh, since high school pa at hanggang ngayon. Si Tweety ay kailan ko lang naging close. May boyfriend na si Tweety at magdadalawang-taon na sana sila ngayon. Pero noong summer ay nawala ang feelings niya sa bf niya at humantong ito sa break-up. Ang dahilan ay ang ka-textmate ni Tweety.

Si Pooh naman ay may manliligaw, si Mr. Playboy. Magdadalawang-taon na siyang nanliligaw kay Pooh. Ang akala ni Pooh ay nakalimutan na siya ni Mr. Playboy pero hindi pa pala. Isang araw ay nag-text ito (Mr. Playboy) sa akin at kinukumusta si Pooh.

Ikinuwento ko ito kay Pooh at nakita ko sa kanyang mukha ang kasiyahan. Ang mali ko ay nagkuwento ako na kaharap si Tweety na di ko pa lubhang kakilala. Nagpalipas lang ng ilang oras si Tweety at hiningi niya sa akin ang cel # ni Mr. Playboy para maging textmate niya ito. Nagtiwala ako agad. Alam ni Tweety na mahal na mahal ni Pooh si Mr. Playboy pero gumawa ito ng paraan para mapasakanya ito.

One time ay tinanong namin siya kung magkagusto sa kanya si Mr. Playboy at hindi kay Pooh, ang sagot niya ay "hindi raw siya pumapatos ng kaibigan." Pero hindi ito ang ginawa niya.

Habang lumalaon ay dumalang nang mag-text sa akin si Mr. Playboy pero kay Tweety ay araw-araw siyang nagte-text. Ang hindi ko alam ay nade-develop na pala sila sa isa’t isa. At nililigawan na niya si Tweety.

Ang hindi niya alam ay may girlfriend na si Mr. Playboy sa province. Isa pa ay hindi pa sila nagkikita ni Tweety dahil nasa lalawigan nga si Mr. Playboy. Ang iniisip ko ay siniraan ni Tweety si Pooh kay Mr. Playboy kaya tumigil ito ng panliligaw.

Kami pa ngayon ang lumalabas na may kasalanan. Sa ngayon ay umiiwas na si Tweety sa amin. Sana ay mapayuhan ninyo ako. Thanks and more power.

Truly yours,
Kitty


Dear Kitty,


Hindi kayo nagkulang ng paalala sa inyong kaibigan.

Sa kabila nito, inignore niya ang inyong warning.

Kung sa kabila nito’y kayo pa ang lumalabas na masama sa kanya, well, ipasa-Diyos na lang ninyo ang kapalaran niya.

Ganyan talaga ang buhay. Kahit pa kapatid o kaibigan ay nagkakagalit all because of love.

Pray for your friend. Baka naman liligaya siya kay Mr. Playboy.

Dr. Love

DEAR KITTY

DR. LOVE

MR. PLAYBOY

NIYA

PERO

PLAYBOY

POOH

TWEETY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with