^

Dr. Love

Foreigner ang type

-
Dear Dr. Love,

Good day to you. This is my first time to write. Isa po ako sa masugid ninyong tagasubaybay. Tawagin na lamang ninyo akong Miss Virgo ng Mindanao. Ang problema ko ay tungkol sa aking pangarap na makapag-asawa ng foreigner. Ako po ay 20 years-old at lagi kong idinadasal sa Panginoong Diyos na sana ay magkaroon ng katuparan ang aking pangarap. Sabi ng mga kasamahan ko ay baliw daw ako sa pangarap kong ito. Wala ba akong karapatan na mangarap, Dr. Love?

Gusto ko sanang magkaroon ng penpal na foreigner na ang edad ay 38-47 years-old.

Hanggang dito na lamang at maraming salamat. Hihintayin ko ang inyong payo.

Gumagalang,
Ms. Virgo ng Mindanao


Dear Ms. Virgo ng Mindanao,


Hindi ko hinahadlangan ang ambisyon mong makapag-asawa ng foreigner. Nguni’t bayaan mong bigyan kita ng babala.

Hindi lahat ng Pinay na nakapag-asawa ng dayuhan ay maligaya. Katunayan, marami ang nasasawi. Gaya ng madalas kong sabihin sa mga sumusulat sa akin na katulad mo ng ambisyon, dapat mag-ingat sa dayuhang ibig lamang samantalahin ang kahinaan ng mga Pilipina.

Sa sandaling mapaibig ay dadalhin sa kanilang bansa pero hindi pala para gawing asawa kundi upang alilain.

Minsan nga ay ginagawa pa silang prostitute.

Nasa iyo ang huling desisyon pero mag-isip isip ka.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

GAYA

GUMAGALANG

HANGGANG

HIHINTAYIN

ISA

MINDANAO

MISS VIRGO

MS. VIRGO

PANGINOONG DIYOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with