^

Dr. Love

Teen-ager ang GF ko

-
Dear Dr. Love,

Kumusta na po kayo? Sana ay mapayuhan ninyo ako sa aking malaking problema na bumabagabag sa akin sa kasalukuyan.

Ako po ay may girlfriend na mas bata sa akin. Matanda po ako sa kanya ng anim na taon. Subali’t kahit bata pa siya, mahal na mahal ko siya at umaasa ako na tapat siya sa pangakong mahal na mahal niya ako.

Ang suliranin ko po ay nagsimula nang minsan ay makita ko siyang may kausap na lalaki. Kahit na naroroon na ako, balewala ako sa kanya at magmula noon ay umiwas na siya sa akin hanggang sa makipagkalas siya.

Dahil sa nasaksihan ko, naglasing ako at ito ang naging daan para sabihin niya sa akin na ayaw niya sa lalaking may bisyo.

Pero nagkabalikan din naman kami. Subali’t ganoon nang ganoon ang nangyari sa amin.

Kahit na ganito ang ipinakikita niya sa akin, mahal na mahal ko pa rin siya. Sa ngayon, kahit na sumusulat ako sa kanya ay wala siyang response.

Bakit kaya ganito? Mahal kaya niya ako o ano po kaya ito?

Sana ay matulungan ninyo ako sa problema ko.

Gumagalang,
Marlon


Dear Marlon,

Ang ipinapakita sa iyo ng girlfriend mo ay patunay lamang na sa edad niyang 14-anyos ay pabago-bago pa ang isip niya. Hindi kaya crush lang ang nararamdaman niya sa iyo nang sagutin niya ang pag-ibig mo?

Dapat ay nakahanda ka sa ganitong relasyon nang ligawan mo ang isang teenager na tulad sa isang bulaklak ay ngayon pa lamang namumukadkad.

Kung talagang mahal mo siya, matututuhan mong alagaan siya tulad ng isang halaman at kung talagang ikaw ang mahal niya, matututunan niyang alagaan ang relasyon ninyong dalawa.

Subali’t mahirap talagang makapanghawak sa ganitong klaseng relasyon dahil pabago-bago pa nga ang isip niya. Tandaan mo, isa siyang menor de edad at kung dadaanin mo siya sa pilit ay madedemanda ka pa.

Kung talagang ayaw na niya sa iyo, huwag mo nang ipilit pa ang sarili mo dahil baka magkaproblema ka pa sa dakong huli.

For the meantime, enjoy your bachelorhood. Humanap ka nang isang may sapat nang desisyon sa sarili at hindi nadadala lang sa engganyo ng iba.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR MARLON

DR. LOVE

KAHIT

MAHAL

NANG

NIYA

SANA

SIYA

SUBALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with