^

Dr. Love

Problema ni Lhan

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Isa po ako sa milyun-milyon ninyong tagahanga. Sa katunayan po ay una ko palang pagliham sa inyo para humingi ng advice at para malaman din po ng nobya ko na talagang sincere ako sa kanya at talagang mahal na mahal ko siya.

Tawagin n’yo na lang po akong ‘Lhan’ ng Laguna. Ang problema ko po ay ang relationship naming dalawa ng nobya kong si Nene. Mayroon po kaming hindi pagkakaunawaan sa isa’t isa dahil sa ngayon po ay magkalayo kami. Nandito po ako ngayon sa Riyadh at nagtatrabaho bilang karaniwang manggagawa.

Nais ko lang pong ipabatid sa kanya na sa kabila na magkalayo kami ngayon at wala akong ibang iniisip gabi’t araw kundi siya. At sa kabila na may nangyayari sa relasyon namin na hindi maganda ay hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa kanya. Dr. Love, mali po bang magmahal nang lubusan?

Kaya heto po ako ngayon, nahihirapan dahil sa buong buhay ko, siya lang po ang minahal ko nang ganito. Dr. Love, hayaan n’yo po akong magbigay ng kaunting message para sa kanya at sana po ay mabasa niya ito.

Love,

Kung magkalayo man tayo ngayon, nais kong malaman mo na mahal na mahal kita. Sana naman matapos na ang mga problema natin. I love you so much!!!

Dr. Love, pasensya na po kayo kung medyo mahaba ang sulat ko at umaasa po ako na ilalathala n’yo ito. Maraming salamat po.

More power to your column. God bless.

Umaasa,
Lhan Lavarnez
American School
Riyadh, K.S.A.



Dear Lhan,


Hindi mo nasabi kung ano ang misunderstanding ninyo ng iyong syota.

Anyway, talagang magkakaroon kayo ng misunderstanding lalo pa’t magkalayo kayo. Sa pagkakalayo ninyo, maaaring nagkakaroon siya ng feelings of insecurity at gayon ka rin.

Ngunit ang ginagawa mong pagtatrabaho sa ibang bansa’y para din naman sa magandang kinabukasang inihahanda mo para sa kanya.

Hindi masamang magmahal nang labis. Pero be sure na ang pagmamahal na iyan ay mutual. Ibig sabihin, kung gaano mo siya kamahal ay tinutumbasan din niya ng ganoong pagmamahal.

Dumadalangin akong malutas na ang anumang di-pagkakaunawaang namamagitan sa inyong dalawa.

Dr. Love

vuukle comment

AMERICAN SCHOOL

DEAR LHAN

DR. LOVE

DUMADALANGIN

IBIG

ISA

KAYA

LHAN LAVARNEZ

LOVE

RIYADH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with