^

Dr. Love

Mga tagahanga ni Trisha

-
Sa pagkakataong ito, bayaan ninyong ibahin po namin ang format ng pitak na ito para tawagang-pansin ang dalawang mga sumulat kay Dr. Love na sina Trisha at Lonely Girl na ang mga liham ay umakit ng pansin sa ilang mga mambabasa ng PSN.

Unahin natin si Trisha: Nais makipagkaibigan sa kanya sa panulat ni Ronnie C. Silverio, ng 260 Borol 1st, Balagtas, Bulacan. Wala raw siyang girlfriend at nang mabasa niya sa pitak na ito ang liham ni Trisha, nakatawag-pansin sa kanya ang katatagan ng loob nito.

"Believe ako sa kanya. Very smart siya at matalino sa kabila ng secret niya na may anak na siya. Dr. Love, willing akong makipagsulatan sa kanya o makipagkilala sa kanya ng personal. Puwede bang makahingi ng address niya?"

Isa pang mambabasa natin na nagkaroon din ng interest na makipagsulatan kay Trisha ay si Nixon Mingming, 28 years old, may taas na 5’6’’, Student Dorm 234, MSC Bldg. II, Camp Sampaguita, Muntinlupa City 1776.

Para naman kay Lonely Girl ang liham ay na-publish noong Jan. 24, nakatawag naman ito ng pansin ni Jess Chineto na nais na makipagsulatan sa kanya.

"Natutuwa ako nang mabasa ko ang sulat niya sa inyo. Isang T-bird na nagkikilos babae para hindi siya mahalatang T-bird, nais ko po sanang maging kaibigan siya sa panulat."

Ang address ni Jess Chineto ay Coca Cola Bottlers Phils., Inc., DRT Highway, Baliwag, Bulacan.

Sana mabasa ito ng dalawa at lumiham sa mga nagnanais na makipagkaibigan sa kanila.

vuukle comment

BULACAN

CAMP SAMPAGUITA

COCA COLA BOTTLERS PHILS

DR. LOVE

ISANG T

JESS CHINETO

LONELY GIRL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with