^

Dr. Love

Hindi nasakyang pagbibiro

-
Dear Dr. Love,

May the blessings of our Almighty God be with you and to all PSN staff.

Ako po ay may crush. Just call him Eric. Hindi siya guwapo pero mayroon siyang angking kagandahang-loob kaya madali ko siyang nakagaanan ng loob.

Si Eric ay laborer ng mga prutas, 25 years old at mas matanda kaysa akin. Ang edad ko po ay 19. Honestly, hindi ako tumitingin sa panlabas na anyo dahil ang tinitingnan ko ay ang kagandahan ng kalooban.

Mas lalo pong nahulog ang loob ko sa kanya dahil sa respetong ipinakikita niya sa akin. Ni minsan ay hindi niya ako pinakitaan ng masama. Kaya naman ang mga brothers ko ay boto rin sa kanya.

Ganap kong nabatid na hindi lang ako ang may gusto kay Eric dahil sinabi ng kaibigan kong si Anna na na-develop na raw ang feelings nito (Eric) sa akin dahil sa ipinakikita kong kabutihan din sa kanya.

Pero ngayon, hindi na kami nagkikibuan. Nagkaroon kami ng away at inaamin ko na ako ang may kasalanan.

Hindi ko kasi nasakyan ang kanyang pagbibiro minsan. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nag-uusap. Nasaktan ko ang kanyang feelings.

Payuhan po ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin para mabalik ang maganda naming pagtitinginan.

Hangad ko po ang patuloy pang paglaganap ng inyong column na malaki ang naitutulong sa tulad kong may problema sa pamamagitan ng matatalinong payo.

Yours truly,
Miss Leo of Davao



Dear Miss Leo,


Hindi naman malaki ang problema mo kung paano kayo magkakabating muli ni Eric. Ang sabi mo, ikaw naman ang talagang may kasalanan. Makabubuting ang pakikipagbati ay magmula sa iyo at humingi ka ng pasensya sa kanya.

Ang sabi mo, mabait naman si Eric. Mauunawaan ka niya siguro kung ikaw ang unang magpapakumbaba. Malay mo, hinihintay lang niya na ikaw ang maunang bumati sa kanya.

Sabi mo, mayroon kang kaibigang nakakausap niya. Siguro sa pamamagitan ng kaibigan mo, maipapaabot mo kay Eric na nais mo siyang makausap para makahingi ng paumanhin.

Hindi mo naman nabanggit kung bakit siya nagtampo sa iyo. Hiniya mo ba siya?

Anyway, good luck to you. Kung hindi mo nais na makipagbati sa iyo si Eric, huwag ka nang magpilit pa. Bata ka pa sa edad na 19 at atupagin mo muna ang pag-aaral mo. Marami ka pang makikitang ibang lalaki na higit na makakaunawa sa iyo.

Thank you for your letter at sana huwag kang magsawang sumubaybay sa pitak na ito.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALMIGHTY GOD

BATA

DEAR MISS LEO

DR. LOVE

ERIC

GANAP

MISS LEO OF DAVAO

SI ERIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with