^

PSN Palaro

Alas Girls nadalawahan ng Venezuela

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Alas Girls nadalawahan ng Venezuela
Nagdiwang ang Alas Girls matapos maka-iskor sa Venezuela sa 1st set.
World Volleyball Photo

MANILA, Philippines —  Nalasap ng Alas Pilipinas Girls ang five-game losing streak matapos silang pagulungin ng Venezuela, 22-25, 15-25, 25-20, 22-25, kahapon sa classification round ng FIVB Girls’ U17 World Championship na nilaro sa Santiago, Chile.

Nakitaan ng tikas si Xyz Rayco na bumanat ng 15 pojnts kasama ang 11 spikes, tatlong service aces, at isang block pero hindi sapat upang akayin ang Alas Girls sa panalo.

Pumalag ang batang Nationals sa set 4, sinabayan nila ang lakas ng Venezuela pero hindi pa rin sapat upang makahirit sila ng deciding fifth set.

Nagtala si Caera Celis ng 14 puntos, kumana rin si Jello Mauricio ng siyam habang tig-lima ang tinikada nina Megan Hernandez, Madele Gale, at Jhaynna Bulandres para sa Alas Girls na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at Asics ang kanilang kampanya.

Lumagapak ang Alas Pilipinas Girls sa battle for 15th place, makakatapat nila ngayong araw ang Czechia.

Kinapitan ng Venezuela sa opensa si Amanda Pacheco Gonzales matapos magtala ng 17 points mula sa 15 kills, at tig-isang block at service ace.

Pangalawang kabiguan ng Alas Girls sa Vene­zuela sa tournament na ito, una nang magkatapat sila sa preliminary round kung saan ay nanaig ang huli sa limang sets.

Ganunpaman, taas noo pa rin ang Alas Girls dahil nakasilo sila ng history matapos nilang umabante sa Round of 16.

ALAS PILIPINAS GIRLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with