92 days trial vs VP Sara ok sa Senate impeachment court

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Senado bilang Impeachment Court ang 92 araw na paglilitis sa impeachment ni Vice Sara Duterte na iminungkahi ng prosekusyon at defense team. Labing pito (17) sa mga saksi ay parehong gagamitin ng prosekusyon at depensa.
Ito ay nakapaloob sa isang 15-pahinang trial order na inilabas noong Lunes at nilagdaan ni Senate President Sherwin Gatchalian.
Ang impeachment trial ay magsisimula sa Lunes, Hulyo 6 sa ganap na alas-2 ng hapon, Martes at hanggang Hulyo 27.
Pagkatapos nito, magsisimula ang paglilitis ng alas-3 ng hapon tuwing Martes, Miyerkules, at Huwebes hanggang sa matapos ito.
Kahapon ay nagsagawa ng inspeksiyon si Senate President Win Gatchalian sa session hall at sa mga committee rooms na gagamitin upang matiyak na nakahanda na ang Senado.
Sinabi ni Gatchalian na kahit na maliit ang Senado ay ang pagdarausan ng trial ay maayos naman ang lugar.
Bukod sa session hall, ininpeksiyon din ni Gatchalian ang iba pang pasilidad ng Senado, mga kuwarto para sa prosecution team, defense team at media. Tiniyak din ni Gatchalian ang seguridad ng Mataas na Kapulungan. Nagsasagawa rin ng inspeksiyon ang House prosecution panel at defense.
- Latest






















