^

Bansa

Pre-marking ng ebidensiya sa pre-trial natapos na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinapos na ng prosecution at defense team ang pre-marking ng mga ebidensiya sa isinagawang pre-trial conference sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kahapon. Ang markings ng mga exhibits o dokumento ay inabot ng limang araw.

Nauna rito, sinabi ni defense team spokesperson Atty. Michael Poa na naging maayos ang pagmamarka sa mga exhibits o ebidensiya mula pa noong Miyerkules, Hunyo 24 hanggang kahapon ng umaga ng Huwebes dahil sa mga idinagdag na table o markings stations.

Maging si House prosecutor Rep. Terry Ridon ay nagsabi sa isang hiwalay na panayam na kahapon (Huwebes) matatapos ang pagma-marka ng mga exhibits.Hindi na aniya aabot sa 1,000 dokumento ang natitira para sa marking.

Sa Hulyo 6 inaasahang magsisimula ang impeachment trial ni Duterte na nahaharap sa mga kasong culpable violation of the Constitution, graft and corruption, betrayal of public trust, bribery, at iba pang mabibigat na krimen.

Noong Mayo, siya ay na-impeach ng Kamara sa pangalawang pagkakataon sa loob ng dalawang taon.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with