^

Bansa

Paglilitis vs VP Sara aabutin ng Setyembre

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng umabot hanggang katapusan ng Setyembre ang ­Senate impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

“Mahaba pa itong ­trial na ito. Sa estimate ko nga, abutin ito hanggang end of September,” pahayag ni lead prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro matapos magharap ang prosecution at defense panels sa pre-trial brief sa impeachment laban kay VP Sara.

Inihayag ni Luistro na hindi rin dapat aniyang gawing isyu ang bilang ng mga Senador na boboto para maha­tulan si VP Sara para makasagabal o makaantala sa paggulong ng impeachment laban dito.

Ginawa ni Luistro ang pahayag sa gitna na rin ng mga agam-agam na kulang umano ang bilang ng mga Senador na boboto para ituloy pa ang paglilitis. Iginiit ni Luistro na kritikal lamang ito kapag maggagawad na ng hatol ang mga senator judges.

Ang tinutukoy ni ­Luistro, ay ang patuloy na debate sa konstitusyonal na rekisitos ?sa 2/3 na boto ng senator-judges para ma-convict ang nililitis o ibase lamang ito sa membership ng Senado sa mga senador na magpapartisipa sa proseso.

Inihayag ni Luistro, Chairperson ng House Committee on Justice  na ang isyu patungkol sa pamamaraan ng Senado ay nasa konstitusyonal na kapangyarihan na ng mga senador para pamahalaan ang kanilang panloob na gawain.

Sa katunayan, ayon kay Luistro ay minsan ng tumanggi ang Korte Suprema na makialam sa gusot sa liderato ng Senado na sa ruling nito ay sinabing isang kuwestiyong pulitikal ito na dapat nireresolba mismo sa loob ng ­institusyon. Inaasahan namang magsisimula na ang paglilitis sa darating na Hulyo 6.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with