^

Bansa

Pangulong Marcos nagpatawag ng special session

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos nagpatawag ng special session
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

MANILA, Philippines — Nagpatawag na ng special session si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Miyerkules, Hunyo 17 para mag-convene ang Kongreso at talakayin ang mga prayoridad na panukalang batas.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1318, ginamit ng Pangulo ang kapangyarihan nito na ipatawag ang Senado at Kamara sa isang special session upang agarang maipasa ang mga panukalang batas na nanatiling nakabinbin.

Kabilang sa mga ito ang pagtatatag ng National Center for Geriatric Health, mga am­yenda sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) Act, Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Act, at Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Gayundin ang Last Mile at Geographically Isola­ted and Disadvantaged and Conflict-Affected Areas (GIDA) Schools Act; Mga Amyenda sa Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act; Batas Laban sa Political Dynasty; Presidential Merit Scholarship Program; at iba pang mga panukala na layong palakasin ang proteksyong panlipunan at itaas ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino.

“The challenges confronting our people demand urgent action. Families affected by the recent earthquake in Mindanao require immediate assistance. Student need continued support to pursue  their education. Our senior citizens deserve better healthcare. Our childer must have better nutrition and vulnerable sectors need stronger protection,” ayon sa Pangulo.

Nanawagan din si Marcos ng espesyal na sesyon para sa nakabinbing kumpir­masyon ng Commission on Appointments (CA) sa mga itinalagang opisyal sa Gabinete, militar, at ­foreign service.

Giit pa ni Marcos na ang pangangailangan ng mga Filipino ay hindi humihinto kahit walang sesyon ang kongreso kaya ang gobyerno ay dapat na ituloy ang pagtugon sa kanilang mga ­pangangailangan at manatili silang prayoridad.

Ayon sa Seksyon 15, Artikulo VI ng 1987 ­Konstitusyon, may kapangyarihan ang Pangulo na tawagin ang Kongreso sa espesyal na sesyon anumang oras upang tugunan ang mga kagyat na usapin na nanga­ngailangan ng agarang aksyon ng lehislatura.

PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with