^

Bansa

Cayetano kinumpara sarili kay Ninoy

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Cayetano kinumpara sarili kay Ninoy
Sen. Alan Peter Cayetano speaks at a press conference at the Senate building on Monday, June 8, maintaining that he remains Senate president.
Philstar.com / Ian Laqui

MANILA, Philippines — Binatikos ng grupong August Twenty-One Movement (ATOM) si Sen. Alan Peter Cayetano dahil sa pagkukumpara ng kanyang pakikibaka sa liderato ng Senado sa naging sakripisyo ni da­ting senator Ninoy Aquino laban sa diktaturya ni da­ting pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sinabi ng grupong ATOM na ang pahayag ni Cayetano ay “laughable and delusional”.

Sa halos 40 minutong Facebook live noong Biyernes, Hunyo 12, malawakan na tinalakay ni Cayetano ang mga sakripisyong ginawa ng mga bayani upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas. Inihalintulad niya ito sa “laban” ng kanilang grupo para sa kalayaan ng Senado mula sa umano’y impluwensiya ng Malacañang, at laban sa korapsyon at kahirapan.

Pagkatapos nito, itinataas niya ang “L” sign na ang ibig sabihin ay “Laban” na siyang kilalang simbolo na ginamit noon bilang protesta laban sa rehimen ni Marcos Sr.

Tinawag naman ng ATOM ang pag-aangkin sa simbolo bilang katawa-tawa at lubhang nakakainsulto.

Giit ng grupo, si Aquino ay isang oposisyon na ikinulong sa isang piitan ng militar noong panahon ng diktadura at “lumaban sa pasismo, katiwalian at kawalan ng pananagutan, na mga katangiang ma­linaw na nakikita sa mga tagasuporta ng kanilang kampo.”

Si Cayetano at ang ilang senador na sumusuporta sa kanya ay ini­uugnay sa mga Duterte, habang hayagan din si Davao City Mayor Baste Duterte at ang kanyang mga kaalyado sa pag-ang­kin nito kay Cayetano sa pagkapangulo ng Senado.

“Duterte’s ‘along with the Marcoses, represent the very nature of the evil which Ninoy fought against,” dagdag pa ng grupo.

SENATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with