^

PSN Opinyon

Tigilan na ang bangayan diyan sa Senado

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KUNG umiinit man ang balitaktakan sa Senado hinggil sa legalidad kung sino talaga ang kinikilalang Senate Pre­sident sa pagitan nina Alan Peter Cayetano at Win Gatchalian. Kasi nga nagsisimula nang gumiling ang teleseryeng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Erwin Tulfo na ang naging pangunahing tema nito ay itong pina­ngangalandakan ng 18 “ex-Marine” umano na naghatid ng male-maletang kwarta sa mga mataas na opisyal ng pamahalaan kabilang na itong para sa mga Marcoses umano, kay dating House Speaker Martin Romualdez, Sen. Tito Sotto, Sen. Erwin Tulfo, Rep. Leila de Lima at maging si Father Flavue Villanueva.

Sa tingin kasi nitong aking mga kausap, ang mga tinum­bok na mga personalidad ay mga nasa likod umano upang umusad ang Impeachment Trial kay Vice President Sara Duterte. Hehehe! Umalma kasi itong Gatchalian Bloc sa mga pahayag ng 18 “Ex-Marines” umano kaya’t nang magbukas ang Senate Hearing nitong umaga ng Lunes naging masalimuot ang resulta ng mga paunang imbestigasyon ni National Bureau of Investigation director Melvin Matibag. Ang masakit nito sa kabila ng paanyaya ni Blue Ribbon Chairman Erwin Tulfo na pumasok itong grupo ng Caye­tano Bloc sa Session Hall abay, sa Media nagbulalas ang mga ito ng kanilang saloobin kaya’t mahihirapan pang maplantsa itong gusot na kumukulapol sa kahihiyan ng buong imahe ng Senado.

Samantala sa Mindanao, may nasagap tayong impormasyon na maraming mga kababayan tayong na-trap sa mga gumuhong mga gusali at mga kabahayan matapos na maganap nga itong lindol na 7.8 sa General Santos City na may Epicenter sa Maasim, Sarangani. Kaya’t ang nara­rapat sa mga mambabatas natin maging ang mga ahensiya ng ating pamahalaan ay agarang magpadala ng tulong o mga personnel sa Mindanao upang masaklolohan ang ating mga kababayan na naapektuhan.

Sa ngayon kasi ang pananaw ng madlang pipol ay agawan sa kapangyarihan upang maprotektahan ang kapakanan ng isang nilalang na puno’t dulo nitong pagkagiba ng magandang samahan ng mga Senador. Kung patungkol naman sa ligalidad nitong Gatchalian Bloc abay, sa palahaw ng IBP, mga dating Senate President at mga dalubhasa sa batas, nilinaw nila na legal itong Gatchalian Bloc matapos na magkaroon sila ng bilang na 12 out of 22. Hehehe! Bahala na kayong magbalanse diyan mga suki, inihayag ko lamang itong mga saloobin ng ilan nating mga kababayan at mga expertong mga Abogado na nagbibigay ng kanilang opinion. Kasi kung tatanungin natin ang mas nakararami, dapat lamang na wakasan na ng Cayetano at Gatchalian Blocs ang kanilang pagpataasan ng ihi upang maharap na itong kaliwa’t kanang problemang kumukulapol sa ating  bansa.

At para naman doon sa mga magigiting nating mga politiko, unahin nating sagipin ang mga nasa bingit na panganib na mga kabababayan natin diyan sa Mindanao na natiyempo pa naman sa unang araw ng pagbubukas ng klase. Tandaan nyo mga Honorable, inihalal kayo ng taong bayan upang magbalangkas ng batas upang magkaroon ng pagsulong ang ekonomiya ng basa. Abangan!

SENATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with