^

Bansa

Robin, Jonvic ‘nagkagirian’ sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkapisikalan at nagkatulakan sina Sen. Robin Padilla at DILG Secretary Jonvic Remulla sa lobby ng Senado, kahapon ng umaga. Nangyari ito nang sinundo ni Sen. Pia Cayetano ang ilan sa 18 ex-marines na inimbitahan para dumalo sa flood control projects hearings ng Cayetano bloc.

Sinamahan ni Padilla si Cayetano at nanguna sa paglalakad ng grupo papunta sa may elevator kung saan nakasalubong nila si Remulla.

Nagkatulakan ang nagkasalubong na sina Padilla at Remulla na sa kumalat na video ay mistulang pinipigilan ang pagpasok ng grupo. Matagumpay namang naipasok sa plenary hall ang mga ex-marines at naidaos ang pagdinig.

Nang tanungin kung balak niyang harangin ang mga senador at mga dating marines, sinabi ni Remulla na solo lamang siya at wala siyang kasamang “police force” na nanghaharang.

“I was alone about to go home. No police blocking force as with me,” ani  Remulla.

Naglalakad lamang aniya siya nang biglang sumulpot ang grupo at sinimulan siyang itulak.

“I was walking out when a herd of people started pushing me through the narrow hall,” dagdag niya.

Bagaman at sinabi ni Remulla na pauwi na sana siya noong umaga, muli siyang nakita sa ikalawang palapag ng Senate building 1:31 ng hapon na kausap naman si Sen. Loren Legarda sa may elevator.

Maririnig na tinanong ni Legarda si Remulla kung abogado ito at sinabi pang ipapalipat niya ang isa sa mga kasamahang senador upang maging 13 ang bagong majority bloc upang matapos na ang problema.

“Tapos magbotohan legal na sila. ‘Di ba tama?” sabi ni Legarda kay Remulla na sumagot naman ng: “That sounds better.”

Sinabihan din ni Legarda si Remulla ng: “next time you come to my office” na sumagot ng “okay.”

 

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with