^

PM Sports

Feu nilaglag ang Ateneo

Chris Co - Pang-masa
Feu nilaglag ang Ateneo
Dumipensa si Isabelle Beatriz De Leon ng Ateneo sa atke ni Kyle Angela Negrito ng FEU.
PM photo ni Ernie Peãredondo

MANILA, Philippines – Pinatalsik ng Far Eastern University and Ateneo de Manila University sa bisa ng 25-20, 25-21, 14-25, 25-19 desisyon upang angkinin ang unang tiket sa finals ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inilabas ni Chin-Chin Basas ang malalim nitong karanasan nang kumana ito ng 12 attacks, tatlong service aces at dalawang blocks para hatakin ang Lady Tamaraws sa finals sa kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na 10 taon.

“Ini-ensayo namin every point, every position sa practice namin. Nag-materialize naman sa laro namin ngayon. Nung third set, I talked to them na don’t stop hindi pa tapos yung game. It’s not time to celebrate yet and don’t relax,” wika ni FEU coach George Pascua.

Dinala ni MVP candidate Bernadeth Pons ang Lady Tamaraws sa match point, 24-16 matapos ang dalawang backrow hits sa huling bahagi ng fourth set.

Sinubukan pang pumalag ng Lady Eagles nang ibaon ni Kat Tolentino ang cross-court hit kasunod ang isang ace at isang matikas na block mula kay Maddie Madayag para bahagyang makadikit sa 19-24.

Subalit pinagtulungan nina Kyle Negrito at Celine Domingo na masawata ang atake ni Ateneo top scorer Jhoana Maraguinot para tuluyang angkinin ng FEU ang panalo.

“Sinabi ko rin sa kanila na kailangan natin itong panalo. Nandiyan na tayo sa pintuan ng finals, kailangan i-grab na namin ito para ma-achieve namin yung goal namin (na makuha ulit ang title),” dagdag ni George Pascua.

Haharapin ng Lady Tamaraws ang magwawagi sa pagitan ng top seed at nagdedepensang De La Salle  University at fourth pick National University.

Lalaruin ang La Salle-NU game ngayong hapon sa parehong venue kung saan hawak ng Lady Spikers ang twice-to-beat card.

Sa men’s division, dinagit ng Ateneo ang 18-25, 25-13, 24-26, 25-23, 15-9 come-from-behind win laban sa FEU upang maipuwersa ang rubber match sa kanilang semis series.

Humataw si four-time MVP Marck Espejo ng record-breaking 55 points mula sa 47 attacks, anim na blocks at dalawang aces para pamunuan ang Blue Spikers na basagin ang twice-to-beat advantage ng Tamaraws.

Lalaruin ang do-or-die game ng Blue Spikers at Tamaraws sa Miyerkules sa The Arena sa San Juan City.

ATENEO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with