^

PSN Palaro

Davao 2016 pa pinaghandaan ang hosting ng 2019 Palaro

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Davao 2016 pa pinaghandaan ang hosting ng 2019 Palaro
Pinangunahan nina 4-time World Cup champion Paeng Nepomuceno at Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ang pagdadala ng bandila ng Pilipinas sa parade.
(Joey)

VIGAN, Ilocos Sur , Philippines  — Noong 2016 pa nagpalabas si Davao City Mayor Sarah Duterte ng isang Executive Order para paghandaan ang kanilang pamamahala sa 2019 Pa­larong Pambansa.

Ito ang ibinahagi ni Atty. Lawrence Bantiding, ang Davao City assistant administrator for operations, ilang minuto matapos pormal na ihayag ni Department of Education Secretary Leonor Briones ang paghirang sa lungsod bilang host ng taunang sports event sa susunod na taon.

“Actually, it is more of an assumption na sana manalo kami kasi as early as 2016 pa po ang ating Mayora (Sarah Duterte) ay nag-execute na ng E­xecutive Order for us to really prepare for the 2019 Palarong Pambansa,” wika ni Bantiding.

Tinalo ng Davao City sa ginawang bidding ng DepEd ang Zamboanga del Sur at Misamis Occidental.

Ang iba pang Local Government Units na na­bigong makasama sa final list ng mga bidders ay ang Prosperidad sa Agusan del Sur, General Santos sa South Cotabato at Surigao City sa Surigao del Norte.

Ito ang ikalawang pag­­kakataon na panga­nga­siwaan ng lungsod ang sports meet para sa mga elementary at secondary students matapos noong 1950.

“Sa presentation namin ay may naipakita naman kaming lists of venues and billeting quarters. Sabi nga nila mas maigi na ang nagpe-prepare,” sabi ni Banti­ding.

DAVAO CITY MAYOR SARAH DUTERTE

PA­LARONG PAMBANSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with