^

Bansa

Alvarez tinaningan na si Sereno

Pilipino Star Ngayon
Alvarez tinaningan na si Sereno
Chief Justice Maria Lourdes Sereno on Tuesday maintained that she complied with all the requirements of the Judicial and Bar Council.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Binigyan ng hanggang dalawang linggo ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Chief Justice Maria Lourdes Sereno bago tuluyang ma-impeach ang punong mahistrado sa Korte Suprema.

Sa pagbubukas muli ng congressional sessions sa Mayo 15, sinabi ni Alvarez na sa loob lamang ng isa o dalawang linggo ay mahahatulan na si Sereno.

Sinabi ito ni Alvarez kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang mawala na sa mataas na hukuman si Sereno.

BASAHIN: Sereno kailangan nang mawala sa Korte Suprema – Duterte

“Tapos na kami sa committee level at ginagawa na lang ‘yung articles of impeachment at talagang intensyon naming dyan ay aprubahan na sa plenary bago kami mag-break hindi lang umabot,” wika ni Alvarez sa GMA News TV.

“I’m sure pagbalik naming baka first week o second week tapos na kami diyan,” dagdag niya.

Nitong kamakalawa lamang ay sinabi ni Duterte na masama para sa bansa si Sereno at idineklara niya na ring kaaway ang punong mahistrado.

Kapag tuluyang napatalsik ng Kamara si Sereno ay iaakyat ang impeachment sa Senado kung saan tatayong hukom ang mga senador.

Kinakailangan ang botong two-thirds ng Senado upang tuluyang masipa sa pwesto si Sereno.

Kung matatanggal si Sereno ay magkakapareho sila ng sinapit ng kaniyang pinalitang si dating Chief Justice Renato Corona.

Maiiba naman ang usapan kapag lumusot ang quo warranto petition na isinampa ni Solicitor General Jose Calida laban kay Sereno.

“Kung fake pala siya na chief justice eh wala kaming dapat i-impeach.”

 

IMPEACHMENT

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with