^

PM Sports

Ika-8 panalo asam ng Batangas

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Asam ng nangungunang Batangas Athletics ang pang-walong panalo sa kanilang pakikipagtipan laban sa Caloocan Supremos ngayon sa pagpapatuloy ng Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup sa Batangas City Coliseum.

Haharapin ng Batangas ang nangungulelat na Caloocan Supremos sa dakong alas-9 ng gabi sa kanila mismong teritoryo habang hangad naman ng Muntinlupa Cagers ang panglimang panalo sa pakikipagtagpo sa Bataan Defenders sa ganap na alas-7 ng gabi.

Nasa Batangas Athle-tics pa rin ang momentum bunga ng kanilang 7-1 win-loss record at galing sila sa 77-68 panalo laban sa pumapangalawang Quezon City Capitals noong Huwebes kasabay ng 56-66 pagkatalo ng Caloocan sa Navotas.

Isa pa lamang ang panalo ng Caloocan sa walong laro at ito ay sa Bataan Defenders, 76-69 noong Pebrero 13 kaya mas gutom ang Supremos kahit pa wala na silang pag-asa pang umabante sa quarterfinal round.

Sasandal ang Supremos kina Marlon Adolfo, Mar Villahermosa at Allen Enriquez para masungkit ang ikalawang panalo sa home and away league na inoorganisa ni Sen. Manny Pacquiao.

Si coach Mac Tan naman ng Batangas ay aasa kina Val Acuña at Lester Alvarez upang lalong patatagin ang hawak sa liderato.

“I just told the boys, we’re beatable. If you don’t play hard, you don’t give your 100 percent, anything can happen, just like our loss against Bulacan,”sabi ni Batangas coach Mac Tan.

Sa iba pang laro, kung mananalo ang Muntinlupa kontra sa Bataan, magkakaroon ng four-way tie sa pangalawang puwesto kasama ang Bulacan Kuyas, Valenzuela Classics at Quezon City Capitals sa pare-parehong 5-3 win-loss slate.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with