^

Metro

2 ‘tulak’ bulagta sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang  sinasabing ‘tulak’ ng iligal na droga ang napatay nang makipagbarilan sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Marala Bridge, malapit sa panulukan ng H. Lopez St, sa Balut, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala  lamang ang isa sa nasawi sa alyas na Jonathan, nasa 30-35 anyos, payat, nasa 5’6 ang taas, nakasuot ng gray t-shirt, itim na shorts at nakasuot ng face mask habang ang isa ay si alyas Jerby, nasa 30-36, 5’3 ang height, payat, nakasuot ng itim na t-shirt , grey ang shorts, naka-face mask at may mga tattoo na “PANGIT 08” sa dibdib, “Rodelia Canlas” sa tiyan, at “Bimbo Coks” at Jonathan” sa braso.

Sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala -1:30 nang maganap ang engkuwentro sa pagitan ng dalawang suspek at  mga operatiba sa Estero De Marala, sa Marala Bridge, malapit sa H. Lopez st., Balut, Tondo, halos boundary ng Caloocan at Maynila na nasa hurisdiksiyon ng MPD-Station 1.

Sa imbestigasyon, ikinasa ang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Smokey Mountain Police Community Precinct at Station Drug Enforcement Team na pinamunuan nina Senior Inspector Dave Abarra at Chief Inspector Manny Israel.

Nagawang makabili ng P20,000 halaga ng shabu ng poseur-buyer na sina PO1 Christian Rico at PO1 Francisco Mendoza subalit natunugan umano ng dalawang suspek na mga pulis ang katransaksiyon kaya mabilis na sumakay sa kanilang motorsiklo at nagbunot ng baril at pinaputukan ang dalawang pulis.

Humarurot sa direksiyon ng H. Lopez kaya hinabol sila kasama ang mga nakaposteng operatiba hanggang sa makor­ner sa Marala Bridge at doon na sila natadtad ng mga putok at bumulagta sa tabi ng motorsiklo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with