^

Police Metro

Bagon ng MRT, kumalas sa tren

Pang-masa
Bagon ng MRT, kumalas sa tren

Sa pahayag ng ilang pasahero na naiwan sa gitna ng riles sa pagitan ng Ayala at Buendia station ang sinasakyan nilang bagon habang patuloy na papalayo ang unang bahagi ng tren kaya nagsisigaw sa takot ang ilang pasahero naganap pasado alas-9:00 ng umaga. Philstar.com/AJ Bolando, File

MANILA, Philippines — Naantala ang ilang biyahe ng Metro Rail Transit-Line 3 matapos humiwalay ang isang bagon mula sa ibang bahagi ng tren habang umaandar sa southbound  area sa pagitan ng Buendia at Ayala station sa Makati City kahapon ng umaga.

Sa pahayag ng ilang pasahero na naiwan sa gitna ng riles sa pagitan ng Ayala at Buendia station ang sinasakyan nilang bagon habang patuloy na papalayo ang unang bahagi ng tren kaya nagsisigaw sa takot ang ilang pasahero naganap pasado alas-9:00 ng umaga.

Kinumpirma ni Cesar Chavez ng Department of Transportation Undersecretary for Railways ang insidente, bagaman wala namang pasaherong nasaktan mula sa pagkakakalas ng bagon.

Pinababa ang mga pasahero na nasa 130 hanggang 140 at saka pinaglakad sa gitna ng riles.

Dahil sa nangyari ay nagpatupad ng ‘provisional service’ ang ma­nagement ng MRT-3 mula sa North Avenue hanggang Shaw Boulevard at vice versa habang walang biyahe sa Shaw Boulevard patungo ng Taft Avenue at vice versa.

Matapos ang kalahating oras ay  muling nagbalik sa normal ang operasyon.

Muling humihingi  ng paumanhin ang pamunaun ng DOTr sa naganap na magkasunod na aberya.

Samantala, ipinakukunsidera ni Senator Grace Poe sa DOTr ang  pansamantalang pagpapatigil ng operasyon ng MRT-3 sa nangyaring insidente.

Pero naaalangan si Poe dahil nasa 500,000 na mananakay ang maaapektuhan sakaling pansamantalang ipatigil ang operasyon upang maayos ng mabuti, pero dapat mas isaalang-alang ang kaligtasan ng mga pasahero.

Ipinunto ni Poe na halos araw-araw ay nagkakaroon ng aberya ang MRT3 kaya’t hinamon nito ang DOTr na magdesisyon na kung ligtas ba o hindi ang MRT3 dahil nakakabahala na ang sitwasyon.

Sinabi ni Poe na dapat ipasuri sa mga eksperto ang MRT3 para masabi kung talagang ligtas pa rin ito.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with