Sunud-sunod na clearing ops sa Maynila
Wala raw kinalaman sa ASEAN Summit
MANILA, Philippines — Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang isang malawakang clea-ring operation sa Roxas Bou-levard upang itaboy ang mga street dwellers at mga illegal vendors na ayon sa isang opisyal ng City Hall ay walang kinalaman sa paghahanda sa gaganaping ASEAN Summit ngayong Nobyembre.
Ayon kay Mayor Joseph Estrada, pinangunahan ang operasyon ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) kasama ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at suportado ng Manila Police District (MPD) at iba pang unit sa City Hall.
Sa mga illegal vendors naman, nilinaw ni Estrada na hindi siya tutol sa paghahanapbuhay ng mga ito ngunit ang mga pangunahing lansangan tulad ng Roxas Boulevard ay dapat aniyang palaging maayos at walang mga balakid upang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko.
Ayon kay MDSW-City Rescue team leader Lindsay Javier, 48 street dwellers at 10 vendor ang kanilang na-rescue sa isinagawang operasyon kamakailan.
Kinumpiska rin nila ang dalawang ‘kuliglig’ at anim na pedicab na ginagawa na ring tirahan ng mga vendor; tatlong bisikleta rin ang nakuha sa isang grupo ng mga “solvent boys”, dagdag pa ni Javier.
Nilinaw din ng city hall na wala itong kinalaman sa gaganaping ASEAN dahil araw-araw naman ang clearing sa lungsod.
- Latest